Fil-Am Isa Briones bibida sa ‘Star Trek’

Kasama sa cast ng aabangan na Star Trek TV series titled Star Trek: Picard ay ang Filipino-American actress na si Isa Briones.

fil am isa briones bibida sa star trek - Fil-Am Isa Briones bibida sa ‘Star Trek’
briones 1 - Fil-Am Isa Briones bibida sa ‘Star Trek’

Kasama sa cast ng aabangan na Star Trek TV series titled Star Trek: Picard ay ang Filipino-American actress na si Isa Briones.

Gaganap ang 20-years old Fil-Am bilang si Dahj sa bagong Star Trek series na humarap sa isang pa­nel during the 2019 San Diego Comic-Con.

Makakasama ni Isa sa naturang series ay sina Patrick Stewart, Brent Spiner, Alison Pill, Santiago Cabrera, Michelle Hurd, Harry Treadaway and Evan Evagora.

The new Star Trek series ay tungkol sa next chapter sa buhay ni Captain Jean-Luc Picard after the events of the final Star Trek: The Next Generation feature film and Star Trek: Nemesis in 2002.

Magpe-premiere ang Star Trek: Picard in early 2020.
Kabilang sa credentials ni Isa ay ang paglabas nito sa mga Hollywood films na Takers, Brown Soup Thing and Lonely Boy.

Nakasama rin si Isa sa national tour ng cast of the musical Hamilton kunsaan gumanap siya sa roles na Peggy Schuyler and Maria Reynolds. Nag-understudy rin siya para sa role ni Eliza Schuyler-Hamilton.

Nanalo naman si Isa sa 2018 Ovation Award for her role as Natalie in the musical Next to Normal na ginawa niya for the Los Angeles-based theater company East West Players.

Nagmana ng kanyang acting and singing skills si Isa, whose real name is Isabella Camille Briones, sa kanyang parents na parehong theater and TV actors.

Ang ama ni Isa ay ang Filipino theatre and TV actor na si Jon Jon Briones na isa sa original cast ng 1989 London production ng musical na Miss Saigon kunsaan si Lea Salonga ang gumanap sa lead role as Kim.

Ang ina naman ni Isa na si Megan Johnson-Briones ay isa namang American theatre actress-singer. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *