Female singer nakakaantok

NAPAKAMAHAL naman pala ng pagngiti ng isang female singer. ‘Yun ang iisang paglalarawan sa kanya sa mga lugar na pinupuntahan niya bilang guest singer.

The post Female singer nakakaantok appeared first on Abante News Online.

female singer nakakaantok - Female singer nakakaantok
abante singer actress simangot silho - Female singer nakakaantok

abante give me 5 cristy fermin 336x224 - Female singer nakakaantokNAPAKAMAHAL naman pala ng pagngiti ng isang female singer. ‘Yun ang iisang paglalarawan sa kanya sa mga lugar na pinupuntahan niya bilang guest singer.

Hindi siya marunong ngumiti. Palagi siyang pormal. Parang sunong niya ang problema ng mundo sa kanyang itsura. Tinatawag na rin siyang Simang ngayon dahil parang lagi siyang nakasimangot.

Kuwento ng aming source, “Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Kahit sa dressing room ng isang musical variety show kung saan siya kasali, e, hindi rin siya nakiki-mingle sa mga co-singers niya!

“Wala siang ka-PR-PR! Parang mabubuhay siya nang walang kasama sa mundo, ni hindi man lang siya nakikipag-usap sa mga kasama niya sa dressing room!

“Ayun tuloy, dahil hindi siya nakikipag-usap sa mga kasamahan niya, e, wala tuloy siyang natatanong kung paano niya aatakihin ang isang song.

“Ano tuloy ang nangyayari? Nasa tono ang mga kasamahan niya sa production number, pero sintunado siya! Kasi nga, e, ni hindi siya nagtatanong sa magagaling na singers kung paano niya kakantahin nang nasa tono ang kanta!” natatawang kuwento ng aming source.

Nakakaantok daw pakinggan ang female singer. ‘Yun pala ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang solo concert na maipagmamalaki.

Sutil na reaksiyon ng aming source, “Paano naman siya bibigyan ng solo concert? E, masarap lang naman siyang pakinggan sa umpisa? Sa third song niya, e, baka antukin na ang audience niya?

“Baka makita na lang natin na natutulog na pala ang mga nanonood sa kanya? Sino ang mamumuhunan ng solo concert sa kanya kung ganu’n?

“E, du’n nga lang sa isang show na kasali siya, e, kinaiinipan ng televiewers ang mga sasabihin niya! Nakakaantok siya! Promise!” tawa nang tawang reaksiyon ng aming impormante.

Coco nagiging palaaway

KAPAG hindi tinantanan ni Coco Martin ang pagpo-post ng mga mensaheng nakapananakit ng kapwa ay siya mismo ang maglalagay ng limitasyon sa kasikatang hawak niya ngayon.

Mula nu’ng Mahal Na Araw ay kung anu-ano nang hindi kagandahang mensahe ang mababasa sa kanyang social media account, para siyang naghahamon na nagya-yabang, nagiging nega na tuloy ang kanyang imahe ngayon.

Ang tapang-tapang pa naman ng kanyang karakter sa Ang Probinsyano, walang inuurungang kahit sino si Ricardo Dalisay, pero sa kanyang pagpo-post na nagmamatapang siya ay bahag naman ang kanyang buntot.

Kung talagang matapang si Coco Martin ay bakit hindi niya diretsuhin kung sinu-sino ang mga pinatatamaan niya? Bakit puro quotation ang inilalabas niya na swak sa kanyang gustong tukuyin?

Nawala na tuloy ang kanyang mystery.‘Yun pa naman ang isang katangian ng tulad niyang action star, pero ngayon ay humulagpos na ‘yun, patol kasi siya nang patol sa mga nababasa niyang nanghihimasok daw sa kanyang pribadong buhay.

Galit na galit siya, bakit daw pati ang pri-bado niyang buhay ay pinakikialaman, private figure ba ang tawag sa tulad niyang nabubuhay at naghahanapbuhay sa lokal na aliwan? Kaya nga public figure ang tawag sa kanya, di ba?

Ang dali-dali niya namang manahimik na lang tungkol sa isyu ng panganganak ni Julia Montes, karapatan naman niyang hindi kumpirmahin ang balita, pero bakit may mga ganyang kuda pa siya?

Nasaan na ang da-ting tahimik lang na Coco Martin? Bakit naging palaaway na ngayon si Cardo Dalisay?

Ayaw ng Vendetta sa ganyan!

The post Female singer nakakaantok appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *