Female personality bumida ang pagbukaka

Sa pakiramdam ng marami ay sobra-sobra ang bakanteng oras ngayon ng isang kilalang female personality. Habang nagdarahop kasi ang buong bayan dahil sa pandemya ay kung anu-ano na lang ang ipino-post ng babaeng personalidad sa social media.

female personality bumida ang pagbukaka - Female personality bumida ang pagbukaka
Female Personality - Female personality bumida ang pagbukaka

117108633 645427856326815 1577643108185212923 n - Female personality bumida ang pagbukakaSa pakiramdam ng marami ay sobra-sobra ang bakanteng oras ngayon ng isang kilalang female personality. Habang nagdarahop kasi ang buong bayan dahil sa pandemya ay kung anu-ano na lang ang ipino-post ng babaeng personalidad sa social media.

Ikinukumpara tuloy siya ng mga miron sa mga kadugo niyang nag-iingay man ay makabuluhan naman ang ipinaglalaban, may saysay, may importansiya.

Kuwento ng isang source, “Ano ba naman ang girl na ‘yun at kung anu-ano na lang ang pinagkakaabalahan niya? Mahiya naman sana siya!

“Palibhasa, e, wala siyang pinagkakaabalahan, napakalibre ng panahon niya, kaya siya nagkakaganyan!” komento ng impormante.

Walang kabuluhan para sa mas nakararami ang mga pinaggagagawa ng kilalang female personality. Hindi nagmamarka.

Dagdag ng aming source, “Tama bang isentro niya ang panahon niya sa sarili niya? Nand’yang mag-pose siya na ipinasisilip ang boobey niya!

“Nandu’ng rumampa siya nang rumampa sa kung saan-saang bansa na para bang nang-iinggit pa siya! Nakakaloka ang babaeng ‘yun, mahirap talaga kapag walang magawa ang isang tao!

“Kung anu-ano na lang ang ginagawa! Hindi pa ba siya nagsasawa sa face at body niya na palaging bumibida sa mga posts niya? Sana man lang, e, meron siyang ipino-post na may social relevance!

“Hindi ‘yang ganyan na kundi siya nakabukaka na parang gusto pang ipasilip ang pisngi ng langit niya, e, nagpo-pose naman siyang nakahiga na parang nang-iimbita ng makakapareha sa kama!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun, ang dami-dami niyang sinasayang na panahon. Hindi niya ginagamit ang panahon niya sa makabuluhang paraan. Kabog na kabog siya ng isang kapamilya niya na mas bata kesa sa kanya, pero nagmamarka ang mga sinasabi!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Kasi naman!

-o0o-

Naudlot ang TV show:Producer ni Kris umurong

Hindi ang pagdedeklara ng MECQ ang itinuturong dahilan kung bakit kasado na, pero naudlot na naman, ang pagbabalik-TV ni Kris Aquino.

Ang maugong na pinag-uusapan ngayon ay ang matinding hindi pagkakaintindihan ng TV host at ng kanyang prodyuser, kaya naghahanap ngayon ng magpoprodyus ng programa ni Kris ang Cornerstone.

Nakakalungkot ang kuwentong ito lalo na para sa mga tagasuporta ni Kris na handang-handa na siyang iwelkam sa kanyang pagbabalik pagkatapos nang halos apat na taon.

Nakapagtataka lang. Ano ba ang pinag-uugatan ng problema ni Kris sa kanyang prodyuser? Ganito rin ang naganap nu’ng magkaroon siya ng show sa GMA-7, independent producer din ang namuhunan para sa kanya, pero sa bandang huli ay nag-away sila.

Ngayon ay heto na naman. Ang sinasabing dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang pagsisimula ng kanyang programa sa August 15 ay ang away nila ng kanyang producer.

Nauna nang lumabas ang balita na hindi nakapasok sa unang pagtatangka sa TV5 ng programa ni Kris. Pero nakipaglaban ang kanyang producer. Ito ang naging masigasig sa pakikipag-usap sa mga ehekutibo ng TV5.

Ayon sa aming kausap ay umurong na ang prodyuser ni Kris, hindi na raw maiaayos pa ang hindi nila pagkakaintindihan, kaya may bago nang mamumuhunan na kinakausap ngayon ang Cornerstone.

Sayang na oportunidad at pagkakataon. Nakahanda na ang produksiyon, nakapag-photo shoot na nga si Kris, kinunan na rin ang OBB ng kanyang show.

Pagkatapos ay ganito na naman ang senaryo, hindi na naman matutuloy ang kanyang pagbabalik-TV, naunsiyami na naman ang kanyang mga tagasuporta.

Malinaw na sabi ng aming source, “Hindi ang MECQ ang dahilan. Hindi rin ang pagiging ghost month ng August. Umurong na ang producer ni Kris.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *