Female personality allergic sa utang na loob

Female personality allergic sa utang na loob

NAPAKALALIM ng hugot ng isang kontrobersiyal na female personality sa mga taong hindi iba sa kanya. Sa kanyang pananalita ay siya ang victim, pinagsasamantalahan ng mga taong ‘yun ang kanyang kapasidad na makatulong, pero iba naman ang kuwento ng mga taong matagal din niyang nakasama.

female personality allergic sa utang na loob - Female personality allergic sa utang na loob
female 1 - Female personality allergic sa utang na loob

NAPAKALALIM ng hugot ng isang kontrobersiyal na female personality sa mga taong hindi iba sa kanya. Sa kanyang pananalita ay siya ang victim, pinagsasamantalahan ng mga taong ‘yun ang kanyang kapasidad na makatulong, pero iba naman ang kuwento ng mga taong matagal din niyang nakasama.

Dahil mapera nga siya ay nagagawa niya ang lahat-lahat, siya mismo ang nag-aalok, para mataas ang tingin sa kanya ng mga taong nabubuhay sa palibot niya.

Kuwento ng isang source, “Ganu’n siya palagi, pa-victim siya, palaging siya ang niloko, siya ang tinek-advantage, siya ang nakakaawa.

“Pero ang totoo, e, siya ang nag-o-offer, siya ang palaging nagtatanong sa kapwa niya kung ano ang kailangan, siya ang parang tagapagligtas sa mga kaibigan niyang naiipit sa sitwasyon.

“Tapos, kapag nagkaroon sila ng problema, e, time na ‘yun para sa panunumbat niya, kilometric na ang mga sinasabi niya, walang utang na loob, hindi marunong magpasalamat ang nakahidwaan niya!

“Ganu’n siya! Regaluhan mo siya ng kahit ano lang at hindi siya papayag na basta ganu’n na lang ‘yun. Binabayaran niya! Kailangang may katumbas na bayad ang pagmamagandang-loob sa kanya ng kahit sino!

“Ayaw niyang tumanaw ng utang na loob, ayaw niyang may masasabi sa kanya ang mga tao, kaya pa-victim ang babaeng ‘yun!” unang mahabang kuwento ng aming impormante.

Kailangan niya ang maraming tao sa paligid niya. Kailangang may mga nakakausap siya, may mga clowns na nagpapahalakhak sa kanya palagi, dahil malungkot siya.

Patuloy ng aming source, “Isa na siguro siya sa pinakamalungkot na tao sa mundo. Nahihiga siya sa salapi, nabibili niya ang kahit anong materyal na bagay sa mundo, pero napakalungkot niya.

“Hindi kasi nabibili ang happiness, lalo na ang peace of mind, kaya kailangan niya talaga ng mga tao sa paligid niya. Marami kasing kulang sa kanya.

“Kulang siya sa pagmamahal ng family niya dahil siya naman ang lumalayo, kulang siya sa kakumpletohan ng pagkababae niya, kasi nga, forever na lang siyang ganyan, hindi pinakakasalan ng karelasyon niya!” nakataas pa ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

***

Claudine sa ospital pinagdudahan

NAGPAOSPITAL si Claudine Barretto pagkatapos nilang magpang-abot ni Marjorie sa lamay ng kanilang ama. Marami raw kasi siyang galos, sumakit daw ang katawan niya, kaya nagpatakbo siya sa St. Luke’s-Global.

Pero mapaghanap ang mga miron, nang ilabas niya ang mga picture niya sa ospital sa kanyang IG account ay wala namang nakitang galos ang mga usisero, maraming nagduda na kumuha lang siya ng simpatya sa publiko.

Kailangan siya ang kaawaan ng mga kababayan natin, si Marjorie dapat ang maging kontrabida, kaya ospital agad ang naisip niyang solusyon sa paghatak ng simpatya ng publiko.

Mabentang-mabentang putahe ngayon sa karinderya ng mga tsismis ang magkakapatid na Barretto. Sila ang pelikulang box-office hit ngayon, sila ang seryeng tinututukan ng buong bayan, dahil kakaiba naman talaga ang istorya ng magkakapatid.

Imagine nga naman, sa mismong burol ng kanilang ama ay sabay-sabay nilang nakalimutan ang salitang respeto? Sa isang sitwasyon na dapat ay umiiyak ang mga nauulila ay ayun sila, nagtutungayawan, nag-aaway-away, saan ka pa?

Lumipas man ang mahabang panahon, magkabati-bati man ang magkakapatid na ito, ay hindi na mabubura pa ang iniwanan nilang marka sa publiko na sa mismong lamay ng pumanaw nilang ama nila pinalutang ang kanilang kawalan ng urbanidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *