Female celeb, male singer ‘nagmimilagro’

Sobrang mahigpit ang mga magulang ng isang kilalang female personality. Hindi man sumasama sa kanyang pagtatrabaho ang daddy at mommy niya ay bantay-sarado pa rin siya dahil sa mga taong nakakasama niya.

The post Female celeb, male singer ‘nagmimilagro’ appeared first on Abante News Online.

female celeb male singer nagmimilagro - Female celeb, male singer ‘nagmimilagro’
gimme 5 - Female celeb, male singer ‘nagmimilagro’

abante give me 5 cristy fermin 336x224 - Female celeb, male singer ‘nagmimilagro’Sobrang mahigpit ang mga magulang ng isang kilalang female personality. Hindi man sumasama sa kanyang pagtatrabaho ang daddy at mommy niya ay bantay-sarado pa rin siya dahil sa mga taong nakakasama niya.

Nasa edad na siya para makipagrelasyon pero ang gusto yata ng kanyang mga magulang ay iburo na lang sa asin ang kanyang kaligayahang personal.

Kuwento ng aming source, “Inggit na inggit siya sa mga kapwa niya artista na ka-age din niya dahil pinapayagan silang lumabas. Nagba-bar sila.

“May mga suitors sila, libre silang ligawan, may freedom sila. Natural, hindi lang makuwestiyon ng girl ang pa­rents niya, pero bakit ganu’n?

“Nasa tamang age na siya para makipag­relasyon, pero bakit siya pinaghihigpitan? Bakit siya binabantayan? Wala ba siyang karapatang lumigaya sa buhay?

“Nakaisip ng paraan ang female personality, matalino man daw ang mat­sing, naiisahan din! Kapag nagpupunta siya sa mall kasama ang PA niya, e, may usapan na sila ng lihim niyang boyfriend.

“Lihim na lihim talaga ‘yun, dahil kapag nalaman ng parents niya, e, siguradong paghihiwalayin sila! Siya lang at ang alalay niya ang nakakaalam na boyfriend niya ang isang male singer,” pasakalyeng kuwento ng aming source.

Iisa nga lang ba naman ang pintuan ng mall? Iba­baba siya ng kanyang dri­ver sa front door kasama ang alalay niya, du’n din siya susunduin, pero walang kaalam-alam ang spy na dribam ng parents niya na may nagaganap na palang milagro.

Kuwento uli ng aming­ source, “Nasa kabilang door naman ng mall ang boyfriend niya, naghihintay na sa kanya, sasakay siya sa karu ng guy at ‘yun na! Ang namimili na lang ng mga kailangan niya, e, ang kakuntsaba niyang alalay.

“Kung saan sila nagpupunta ng guy, e, tanging sila lang ang nakakaalam, pero pagbalik niya sa kanyang van, e, parang walang nangyari, napakasimple niyang gumawa ng milagro!

“May karelasyon nang iba ngayon ang female personality, magpapakasal na nga raw sila, boto ang pamilya niya sa lalaking propesyonal,” pagtatapos ng aming impormante.

Jessy batuhan ng sisi

Nakakaawa naman si Jessy Mendiola. Palagi na lang siya ang sinisisi kapag hindi kumikita ang mga pelikulang siya ang leading lady ng bumibida.

Hindi nga lang naman siya ang nag-iisang artista ng proyekto, napakarami nila, pero bakit kapag sumasadsad sa takilya ang proyekto ay siya lang ang nag-iisang sinisisi ng marami sa hindi pagkita?

Natural lang na umal­ma si Jessy, ayaw niya ang taguring jinx sa kanya, paano pa nga naman siya kukunin ng mga prod­yuser kung napakamalas pala niyang kasama sa movie?

Ang totoo ay hindi mahal si Jessy ng mga grupong nagdidiin sa kanya. Si Luis Manzano lang ang nagmamahal sa dalaga.

Nu’ng baguhan pa lang siyang nag-aartista ay nagkaroon na kaagad siya ng imahe ng pagiging maldita. Kahit ang mga reporters nu’n ay dinadaan-daanan lang niya.

Mestisa pa naman si Jessy, magtaas lang siya ng kilay kahit wala naman siyang intensiyong masama, suplada na agad-agad siya.

May naaalala kasi ang marami tungkol sa kanya, akala ba ni Jessy ay walang nagawang hindi maganda sa kanya ang pakikipagtipan niya sa kanyang mga gadgets, post siya nang post na akala mo may napatunayan na siya?

Kung may panahon ng pagtatanim ay may oras din ng pag-ani. Harvest time.

Inaani ngayon ni Jessy Mendiola ang produkto ng pagiging hindi niya ma-PR, walang pakisama, kung umasta ay parang haligi na siya ng industriya.

The post Female celeb, male singer ‘nagmimilagro’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *