Feeling Briton na: Janella galit sa mga Pilipino, tinawag na mataba

Umalma si Janella Salvador at sinabing worst body shamer ang mga Pilipino. Ito ang naging direktang pagbatikos ni Janella sa mga kapwa Pilipino sa kanyang tweet.

The post Feeling Briton na: Janella galit sa mga Pilipino, tinawag na mataba first appeared on Abante.

feeling briton na janella galit sa mga pilipino tinawag na mataba - Feeling Briton na: Janella galit sa mga Pilipino, tinawag na mataba
abante janella salvador - Feeling Briton na: Janella galit sa mga Pilipino, tinawag na mataba

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 1 300x180 - Feeling Briton na: Janella galit sa mga Pilipino, tinawag na matabaUmalma si Janella Salvador at sinabing worst body shamer ang mga Pilipino. Ito ang naging direktang pagbatikos ni Janella sa mga kapwa Pilipino sa kanyang tweet.

“Filipinos are the worst body shamer. Let me enjoy my Christmas pudding in peace. Happy holidays you too!” tweet ni Janella.

Dismayado, nainis nga si Janella nang may nagsabi sa kanya na mataba na siya. May mga nakapansin nga na lumobo ang pigura niya, dahilan para itago niya sa maluluwag na kasuotan ang kanyang body.

Pero siyempre, hindi nagustuhan ng ibang netizen ang ginawang panlalahat ni Janella sa mga Pilipino. Kumbaga, tila inakusahan din ni Janella ang lahat ng mga Pinoy sa mga sinabi niya.

Ang sabi tuloy ng mga netizen sa kanya, feeling Briton na si Janella, samantalang wala pa raw yatang isang taon itong naninirahan sa United Kingdom.

Sinabihan din si Janella ng iba na lumayas na sa showbiz, dahil walang Pinoy na susuporta sa kanya.

Ang iba ay kumampi at pinayuhan si Janella na huwag na lang pansinin

ang mga basher at mag-enjoy na lang sa UK.

***

Arci ‘di bet dyowain si JM

Bukod kina Erich Gonzales at Enchong Dee, ang solid sa kanilang friendship ay sina Arci Muñoz at JM De Guzman.

Kamakailan lang bumisita si JM sa bahay ni Arci at nakipag-Christmas get-together sa buong pamilya ng aktres.

Pinoste ni Arci sa kanyang Instagram ang family picture ng Christmas celebration nila, at katabi nito si JM na may karga-karga pang sanggol.

Marami ang kinilig sa presensiya ni JM.

May ilang nagtatanong kung ano ba talaga ang namamagitan sa dalawa.

Ang ilan naman ay hindi na nagduda dahil sanggang-dikit na magkaibigan ang dalawa.

Sa panayam nga namin noon kay Arci, umiling ito sa tanong namin kung may tsansa bang maging dyowa niya si JM kung manliligaw ito sa kanya.

Sey nito, “brother” kapatid lang talaga ang turing nito sa aktor.

***

Juan Luna sangkot sa boys’ love

Isang historical men’s love series ang gagawin ng Phil. Stagers Films na ididirehe ni Atty. Vince Tañaga. Si Vince ginawaran ng hall of fame award sa Aliw Awards bilang best actor in a Musical.

Mapangahas ang proyekto dahil may kaugnayan ito sa kuwento ni Juan Luna, noong 18th century. Sa pagtalakay sa kuwento ng Spanish revolution sa panahon ni Tandang Sora at Juan Luna, susulpot ang kuwento ng pag-iibigan ng dalawang lalake.

Ayon kay Atty. Vince iingatan nya ang pagtalakay sa BL o men’s historic series na ito para hindi siya makasagasa sa history ng bansa.

Sina Gerald Manson, Jervi Delos Reyes, Peter Mendejar ang magbibida sa serye.

Si Gerald ay Manhunt Philippines 2019 titlist. Si Jervi ay naging finalist sa Pilipinas Got Talent at sumali rin sa Bidaman ng It’s Showtime. Si Peter ay naging finalist ng Macho Man sa Eat Bulaga.

Makakasama rin sa cast sina Beverly Salviejo, Donita Nose.

The post Feeling Briton na: Janella galit sa mga Pilipino, tinawag na mataba first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *