Fan ni Beauty ‘sinaktan’, ‘binantaan’ si Eric Fructuoso

Inamin ni Eric Fructuoso sa Magandang Buhay na noong una ay hindi niya alam na sikat na siya at hit ang serye nilang “Kadenang Ginto.”

fan ni beauty sinaktan binantaan si eric fructuoso - Fan ni Beauty ‘sinaktan’, ‘binantaan’ si Eric Fructuoso
eric 2 - Fan ni Beauty ‘sinaktan’, ‘binantaan’ si Eric Fructuoso

Inamin ni Eric Fructuoso sa Magandang Buhay na noong una ay hindi niya alam na sikat na siya at hit ang serye nilang “Kadenang Ginto.”

Ayon sa kanya, diretso bahay naman na kasi sya pagkatapos ng taping kaya naman wala siyang narinig na balita.

Hanggang sa isang araw ay may kumurot sa kanya at pinaalalahanan siyang huwag maging masama sa palabas.

“Hindi ako aware sa nangyayari, till nakurot ng masakit at sinisi na huwag ko raw saktan si ganito si ganyan,” pagkwekwento niya.

Siyempre, fan `yon ni Beauty Gonzales na inaapi-api nga nila sa teleserye.

Dagdag ni Eric kaya naman naging hit ang show nila ay dahil nagtutulungan silang lahat.

“Lahat yung buong staff at mga artista, pantay-pantay. May respeto sa isa’t isa kaya siguro naging successful.”

Naikwento rin niya ang hirap na maka-eksena sina Beauty Gonzales at Dimples Romana. Dahil kasi sa nabuo nilang pamilya sa set, nahihirapan na siyang umakto bilang kontrabida.

Patuloy parin ngang kinakapitan ng sambayanan ang “Kadenang Ginto.” Excited pa rin ang lahat kung anu-ano pa ang mangyayari sa serye lalo nang nakunan at naghirap ang karakter ni Dimples na si Daniela. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *