‘Fan Girl’ ng ABS-CBN Films palaban sa Tokyo IFF

Bumobongga ang career ng teen star na si Charlie Dizon.

The post ‘Fan Girl’ ng ABS-CBN Films palaban sa Tokyo IFF first appeared on Abante.

fan girl ng abs cbn films palaban sa tokyo iff - ‘Fan Girl’ ng ABS-CBN Films palaban sa Tokyo IFF
Charlie Dizon - ‘Fan Girl’ ng ABS-CBN Films palaban sa Tokyo IFF

Bumobongga ang career ng teen star na si Charlie Dizon.

Bukod sa isa siya sa mga bida ng paparating na prequel ng “Four Sisters and a Wedding” ng Star Cinema, kasama rin ang pinagbibidahan nilang pelikula ni Paulo Avelino sa Tokyo International Film Festival na magaganap ngayong Oktubre 31.

Ito ang pelikulang “Fan Girl” na prodyus ng Black Sheep ng ABS-CBN Films kasama ng Globe Studios, Project 8, Epicmedia, at Crossword Productions. Nominado pa ito sa Audience Award, ang tanging award na ibibigay ngayong taon sa nasabing festival.

Idinirek naman ito ni Antoinette Jadaone at ito ang natatanging Pinoy film na lalaban sa naturang festival.

Mukhang maraming makaka-relate sa movie dahil iikot ang kwento sa pagfa-fangirl ng karakter ni Charlie kay Paulo Avelino.

Ito ang kauna-unahang lead role ni Charlie sa pelikula matapos ang “Seven Sundays” kung saan gumanap siya bilang kaibigan ng karakter ni Enrique Gil.

Labis nga ang tuwa ng Rise Artists Studio star sa naging experience niya sa pelikula. Sabi niya sa isang Instagram post, “Sobrang nagmarka sakin ang Fan Girl not only because first major film ko, but also because of the experience. Sobrang dami ko pong natutunan while we were doing the film. Ito na ata yung pinakanahirapan ako dahil hindi lang sya emotionally challenging, physically and psychologically din. Pero sobrang worth it lahat ng experience.” (Dondon Sermino)

The post ‘Fan Girl’ ng ABS-CBN Films palaban sa Tokyo IFF first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *