Eye injury ni Pacman sinusuri ng mga doktor sa US

Gaya ng mga nakaraang laban ni Manny Pacquiao, nagsanib puwersa ang buong sambayanan para suportahan at tutukan ang laban ng Pambansang Kamao.

The post Eye injury ni Pacman sinusuri ng mga doktor sa US appeared first on Abante News Online.

eye injury ni pacman sinusuri ng mga doktor sa us - Eye injury ni Pacman sinusuri ng mga doktor sa US
abante Pacman 1 - Eye injury ni Pacman sinusuri ng mga doktor sa US

abante talbog joe barrameda 336x224 - Eye injury ni Pacman sinusuri ng mga doktor sa USGaya ng mga nakaraang laban ni Manny Pacquiao, nagsanib puwersa ang buong sambayanan para suportahan at tutukan ang laban ng Pambansang Kamao.

Sa edad niyang 40 ay pinatunayan ni Manny na kaya pa rin niya at naipanalo pa rin niya ang welterweight title sa kalaban, na first time natalo.

Kahit may kayabangan si Keith Thurman noong mga panahong nagpo-promote sila ng labang ito ay buong kababaang loob niyang ipinakita at ipina-ramdam ang pagkatalo at ipinagmamalaki pa niya ang ating Pambansang Kamao.

Si Manny naman ay walang inisip kundi ang kapakanan ng bansang Pilipinas na ayaw niyang mapahiya ang mga kababayan natin. Kaya kahit minsan ay napapansin natin na pagod na siya ay ang sambayanan pa rin ang nasa isip niya. Kaya hindi kataka-taka na walang network war sa labang ito at lahat ng artista ay nagbunyi sa labang ito.

Ang kapansin-pansin ay walang gaanong politiko natin ang pumunta ng Las Vegas dahil nataon na opening ng Kongreso nitong Lunes kung saan may SONA ang Pangulo.

Akala ko ay hahabol si Manny pero may injury raw sa mata at kailangang bigyan ng atensyon ng mga doktor sa Amerika.

Sa laban na iyon ay na-monitor namin ang Facebook live ni Ruffa Gutierrez throughout the fight at matiyaga siyang nakahawak sa phone niya at walang humpay ng kasisigaw. Sigurado ako after the fight ay paos ito.

Ganyan din ang ina niyang si Annabelle Rama na madalas naming nakakasabay ng live sa Las Vegas tuwing fight ni Manny at sigaw din nang sigaw.

Namataan din si Floyd Mayweather Jr. sa fight nu’ng gabing iyon.

Bianca natupad ang pagiging sirena

Hindi sukat akalain ni Bianca Umali na matutupad ang pangarap niyang maging mermaid. Dahil sa kahirapan niya bilang si Sahaya ay tinanggap niya ang trabahong mermaid sa isang aquarium show para pantustos sa gastusin nilang mag-ina.

Nakapag-scuba diving naman daw siya noong wala pang “Sahaya” at kailan lang ay may mga training siya sa swimming. Nakunan na daw lahat sa Ocean Park ang mga eksena at hindi pa niya alam kung kailan eere.

Pero last Friday ay may teaser na ito at malamang this week ay may makikita na tayo.

Terminator ang tawag ni Jordan or Migo Adecer kay Bianca dahil sila raw ay bagsak na sa pagod pero si Bianca ay buhay na buhay pa at full of energy. Well, dedicated lang sa trabaho si Bianca at alam ko may ipinagagawang bahay ‘yan. Kaya work, work, work.

The post Eye injury ni Pacman sinusuri ng mga doktor sa US appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *