Ex-softdrinks commercial model kinasal sa Oregon

Ex-softdrinks commercial model kinasal sa Oregon

Magpapaka-“Where are day now?” ako today, Dondon.

ex softdrinks commercial model kinasal sa oregon - Ex-softdrinks commercial model kinasal sa Oregon
dale - Ex-softdrinks commercial model kinasal sa Oregon

Jun Lalin Anything Goes 336x224 - Ex-softdrinks commercial model kinasal sa OregonMagpapaka-“Where are day now?” ako today, Dondon.

Habang nagla-like kasi ako sa Facebook page ng friend kong si Mel ­Martinez (not the brother of ­Maricel ­Soriano kundi mother ng Abante News Online news host na si Khatrina ­Martinez), may nakita ako na pinost niya na very familiar­ page, bale sa wedding ‘yon nina Dale Villar Acelar at Megan ­Powers (related­ kaya siya kay Amor Powers ng “Pangako Sa ‘Yo?” Hehehe).

So, tinanong ko si Mel kung ‘yung groom ba ay ang dating young actor na si Dale Villar na nakilala sa isang softdrink commercial at naging Viva Films contract star, and yes ang sagot niya.

Kuwento ni Mel, “May anak na si Dale, dalawa, pero hindi sila kasal ng nanay ng mga anak niya at nagkahiwalay rin.

“Itong wedding niya kay Megan ang first marriage niya.

“Noon pa namin nakilala si Megan dahil­ fashion model siya. Kilala siya,” sabi pa ni Mel.

Bale friend daw nila ng friend naming si Riza Asa ang family ni Dale.
“Nurse kasi sa facilities ng biyenan ni Riza ang nanay ni Dale, kina Fred and Beth Asa, kaya kilala rin namin at invited kami sa kasal,” sey pa ni Mel.

Bale noong August 17 ikinasal sa Portland­, Oregon sina Dale at Megan.
Dagdag pa ni Mel, “Maganda ang work ni Dale, manager siya sa Mercedes Benz dealership.”
Nakaka-feel good kapag nababalitaan mo na ang isang dating artista like Dale ay maganda pa rin ang buhay kahit matagal na ring tumigil sa showbiz, ‘di ba, Dondon?

Jericho, Sam, Yen
rumaraket sa Hawaii

Usapang-abroad na rin lang tayo, nasa Hawaii ngayon ang grupo ng “Halik” (nagtapos na primetime­ series­ sa ABS-CBN) na sina Jericho Rosales­, Sam Milby at Yen Santos.

Bale nag-show sila kahapon sa Maui at ayon sa ilang mga tagaroon, okay ang tickets sale.

Ngayon naman, nasa Honolulu sila dahil­ doon naman ang show nila kasama si Negi.

Si Lerma dela Cruz ang promoter ng Acoustic Heartthrobs 2019 Concert Tour nila at nakailang shows na sila dahil ­sobra ring nagustuhan ang tatlo ng mga sumubaybay sa “Halik”, kaya naman nire-request­ na mag-show sila palagi.

Sayang, hindi nila kasama si Yam ­Concepcion na tumatak din sa ­naturang teleserye at ngayon ay replace­ment ni Erich ­Gonzales sa “Love Thy Woman” nina Kim Chiu at Xian Lim.

Boyet, Bobot,
Pip magso-
show sa US

Speaking of Lerma, nag-announce na siya na sa November ay dadalhin niya sa Amerika ang senior stars na sina Christopher de Leon, Edgar Mortiz at Tirso Cruz III para mag-show.

So, talagang mabenta pa rin sa mga kababayan natin abroad pati ang seniors stars natin, huh!

Actually, proven and tested na naman ‘yan, dahil kahit si Anna Puno, ilang beses na ring dinala sa Amerika at Canada ang OPM Hitmakers nina Hajji Alejandro, Rey Valera, Nonoy Zuniga at Marco Sison.

Grabe nga raw ang success ng final tour ng apat, pero siyempre, iba pa rin daw kung kasama sana ang yumaong singer/comedian na si Rico J. Puno.
Sad nga lang na hindi na siya ­kasama ng grupo sa kanilang final tour, pero binigyan naman ng tribute si Rico na ­tina­guriang The Total Performer sa shows ng apat.

Parang na-sad tuloy ako lalo na at sa October­ 30 ay first death anniversary ni Rico.

Bilis talagang lumipas ng mga araw!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *