Ex-sexy actor bilmoko muna bago chorva kay misis

Nakakalokah ang kuwentong umiikot tungkol sa isang dating sexy actor na hindi na gaanong aktibo sa pag-arte. Kakaiba ang kanyang drama, talagang kakaiba, parang hindi ‘yun kapani-paniwala.

The post Ex-sexy actor bilmoko muna bago chorva kay misis appeared first on Abante News Online.

ex sexy actor bilmoko muna bago chorva kay misis - Ex-sexy actor bilmoko muna bago chorva kay misis
actor1 - Ex-sexy actor bilmoko muna bago chorva kay misis

abante give me 5 cristy fermin 336x224 - Ex-sexy actor bilmoko muna bago chorva kay misisNakakalokah ang kuwentong umiikot tungkol sa isang dating sexy actor na hindi na gaanong aktibo sa pag-arte. Kakaiba ang kanyang drama, talagang kakaiba, parang hindi ‘yun kapani-paniwala.

Pero kalat na ang istorya sa kanilang sirkulo, may kakaiba ngang huwisyo ang dating sexy actor sa paglipad sa alapaap ng kaligayahan kapareha ang sarili niyang misis, heto ang kuwento.

Sabi ng source na isa sa mga nakakaalam ng senaryo, “Alam n’yo ba na bago sila mag-sex ng wife niya, e, meron munang kundisyon? Kailangang may kapalit ‘yun! Hindi sila puwedeng magtsugihan kapag wala ang hinihingi niya.

“Kunwari, magpapabili siya ng shoes, ng watch, ng kahit anong kapaki-pakinabang para sa kanya! Kailangang may kapalit ang pagniniig nila, hindi siya tumatanggap ng datung, mga bagay-bagay na trip niya ang kailangang bilhin ng misis niya!

“Nakakalokah siya, ‘di ba? Ano ito, para siyang syolbam na kailangang may kapalit kapag nakikipagtsurbahan? Pero ganu’n nga siya, e! Talagang may kapalit ang pakikipag-sex niya sa wife niya!” paninindigan ng aming impormante.

Biglang naalala ng aming source ang isang hunk actor na naging karelasyon ng isang mil-yonaryang negosyante. Ganu’n din ang drama nito, kailangang nasa kuwarto na ng businesswoman ang mga ipinabibili nito, puro mga branded stuff ‘yun.

Sabi uli ng aming source, “Hindi pala nag-iisa ang hunk actor na ‘yun. Pero itong si da-ting sexy actor, e, hindi nakikipagrelasyon sa kung kani-kanino, ginagawa niya lang ang ganu’n sa mismong wife niya!

“Si hunk actor naman kasi, e, kilalang-kilala sa pagpatol sa mga matrona, sa mga becki, basta may datung, go!

“Kaya nakakaloka itong si dating sexy actor, ‘di ba? Mismong misis niya, e, may toll fee bago sila magpakaligaya! May thrill daw kasi kapag ganu’n, sabi nu’ng dating sexy actor!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.
Ganu’n?

John Lloyd pagod na sa pamamahinga

Kumbinsido kami sa kuwentong gusto na u­ling bumalik sa gitna ng aksiyon ni John Lloyd Cruz. Ganu’n talaga ang pag-aartista, oras na pumasok ka sa mundong ito ay nakabaon na ang isang paa mo, hindi na mababatak palabas.

Lalo na sa sitwasyon ni Lloydie na sa showbiz na nagkaedad, hindi madali para sa kanya ang basta talikuran na lang ang mundong minahal niya at nagmahal din sa kanya, ang trabahong nagpabago sa estado ng buhay ng kanyang pamilya.

Ang dami-daming kabataang aktor na ikinukumpara ang pagganap kay John Lloyd. Siya ang ginagawang barometro kapag magaling umarte ang artista, tulad ni Joshua Garcia, na tumatawid din ang mga mata sa pag-arte.

Pero iisa lang ang John Lloyd Cruz na kung umarte ay napakakaswal, parang nasa bahay lang siya, nagkataon lang na may mga nakatutok na ilaw at mga came-ra.

At kung sakali ngang handa na uling umarte si Lloydie ay maraming kababayan natin ang maliligayahan. Ang klase ng ac-ting niya ang hinahanap-hanap ng mga Pinoy dahil natural lang pero rock.

Sana nga ay mapagod na sa pamamahinga si Lloydie, sana nga ay mangawit na siya sa paghehele sa anak nila ni Ellen Adarna, sana nga ay magising na lang siya isang umaga na hinahanap-hanap niya na ang amoy ng showbiz na kinalakihan niya.

The post Ex-sexy actor bilmoko muna bago chorva kay misis appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *