Ex ni Joe Jonas na si Taylor, Sophie nagharap

For the first time ay nagharap sa isang talk show ang past and present ni Joe Jonas na sina Taylor Swift at Sophie Turner.­

The post Ex ni Joe Jonas na si Taylor, Sophie nagharap appeared first on Abante News Online.

ex ni joe jonas na si taylor sophie nagharap - Ex ni Joe Jonas na si Taylor, Sophie nagharap
joe 1 - Ex ni Joe Jonas na si Taylor, Sophie nagharap

For the first time ay nagharap sa isang talk show ang past and present ni Joe Jonas na sina Taylor Swift at Sophie Turner.­

Nag-face to face sila Taylor at Sophie sa “The Graham Norton Show” sa BBC One noong nakaraang May 24. Guest si Taylor para mag-perform ng kanyang hit single na “Me!” Si Sophie naman ay nasa show para sa promotion ng X-Men movie na “Dark Phoenix.”

Natuwa ang mga fan nina Taylor at Sophie sa unang pagkakataon na magkita ang dalawa kaya nag-trending sila sa social media.

One tweeted: “taylor swift running to hug sophie turner… nah you dont understand I’m obsessed…”

At isa pang tweet: “The Queen Of The North and My Queen hugging on #GrahamNorton’; ‘THE SOPHIE TURNER AND TAYLOR SWIFT HUGE WAS SO ADORABLE I LOVED THE LITTLE SQUEAL OMG’ and ‘Taylor Swift and Sophie Turner on Graham Norton at the same time is a fever dream ngl.”

Ikinatuwa pa ng netizens na pareho pa ang hairstyle nila Taylor at Sophie at nagmukha tuloy silang twins.

Nag-date noong 2008 sina Joe at Taylor. Taylor was just 18 at noong maghiwalay sila, inamin ng singer na isa si Joe sa naging inspiration niya kung bakit siya nakapagsulat ng songs sa kanyang “Fearless” album.

Ngayon ay may colorful lovelife na si Taylor with British actor Joe Alwyn.
Inamin naman ni Taylor na fangirl siya ng HBO series na “Game of Thrones” at isa sa paborito niyang character ay si Sansa Stark na ginampanan ni Sophie. Hindi raw in-expect ni Taylor na makakatuluyan ng ex-boyfriend niya.

2016 noong magkakilala sina Joe at Sophie. 2017 noong ma-engage sila at just this May ay kinasal ang dalawa sa Las Vegas pagkatapos ng Billboard Music Awards kunsaan nag-perform pa man din si Taylor. (Ruel M­endoza)

The post Ex ni Joe Jonas na si Taylor, Sophie nagharap appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *