Ex Battalion member ineskandalo ng asawa

Sumabak sa mahaba-habang pag-arte sa big screen ang rap sensation na Ex Battalion sa pelikulang ‘Sons of Nanay Sabel’. Malaking factor siyempre ang pagpayag nila dahil bida sa movie ang manager/nanay nilang si Ai-Ai delas Alas.

The post Ex Battalion member ineskandalo ng asawa appeared first on Abante News Online.

ex battalion member ineskandalo ng asawa - Ex Battalion member ineskandalo ng asawa
aiai exB - Ex Battalion member ineskandalo ng asawa

abante i know better jun nardo 336x224 - Ex Battalion member ineskandalo ng asawaSumabak sa mahaba-habang pag-arte sa big screen ang rap sensation na Ex Battalion sa pelikulang ‘Sons of Nanay Sabel’. Malaking factor siyempre ang pagpayag nila dahil bida sa movie ang manager/nanay nilang si Ai-Ai delas Alas.

Ayon kay Ai-Ai, sa unang exposure ng Ex-B sa movie, “Ay, magaling na artista. Pasaway pero magagaling kahit ano pa ang sabihin natin.

“Kahit marami silang haters, bashers, hindi natin maikakaila ang mga bata ay mahuhusay hindi lang sa pagra-rap. Sila rin ang gumagawa ng kanta nila.

“And surprisingly, magagaling din silang artista!” pahayag ni Ai-Ai sa mediacon ng Viva movie.

Eh isa sa members ng grupo ay may problemang hinaharap sa pinakasalang asawa, si Jon.

“Yun nga, ‘yung tungkol kay Jon, siyempre, lahat naman tayo, ‘yung may mga asawa rito, lahat ng may asawa buong Pilipinas, buong mundo, napaka-plastic naman natin kung sasabihin natin na ang pagsasama natin ay 100 percent masaya.

“Lahat naman ng mag-asawa, may problema. So ang payo ko sa kanila, ayusin nila and ‘yung mga tsismis, ‘yung live-live diyan sa social media, eh ganoon naman basically, ‘di ba? Ang mga Pinoy, mahilig sa tsismis.

“Pero lahat tayo na may mga asawa, ang gusto natin eh ayusin natin. ‘Yun ang sinabi ko kay Jon at kasalukuyang ina­ayos naman,” paliwanag ng Comedy Queen.
Totoo ba ‘yon, Jon?

“I just wanna say, nobody’s perfect. I’m not perfect, I made a mistake but right now, I’m in the process of trying to solve my marriage.

“Yeah, like I’ve said, I made a mistake. Everyone makes a mistake. I’m trying to solve my marriage. That’s the last question I’m gonna answer because that’s too personal,” saad naman ni Jon.

Ikinasal si Jon sa non-showbiz girlfriend last October 2018 at hiwalay na sila ngayon.

Anyway, bukod sa pag-arte, may hatid ding bagong kanta ang Ex Battalion dahil maririnig eksklusibo sa ‘Sons of Nanay Sabel’ ang kanta nilang ‘Sama-Sama, Huwag Siya at Bagong Umaga’. Mula sa direksyon ni Dado Lumibao ang pagbabalik sa big screen ng tinaguriang Pambansang Ina, si Ai-Ai!

The post Ex Battalion member ineskandalo ng asawa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *