Ethel Booba naniguro ng TF sa ‘Showtime’

Bago sumalang si Ethel Booba sa “Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions” ng “It’s Showtime”, tinanong muna niya kung makukuha ba agad ang talent fee.

ethel booba naniguro ng tf sa showtime - Ethel Booba naniguro ng TF sa ‘Showtime’
ethel 1 - Ethel Booba naniguro ng TF sa ‘Showtime’

Bago sumalang si Ethel Booba sa “Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions” ng “It’s Showtime”, tinanong muna niya kung makukuha ba agad ang talent fee.

Nagiging segurista na nga si Ethel dahil ayaw niyang maulit na mag-emote sa mga show na hindi agad binibigay o nakalimutan nang bayaran ang talent fee sa mga artista.

Nagbiro pa si Ethel na gusto niya ay sa stage ng “TNT” siya bayaran ng malaking tseke. Noong tawagan raw siya ng staff ng “TNT”, inusisa ni Ethel kung magkaiba raw ba ang talent fee at ang premyo ng celebrity contestant?

“Siyempre, tinanong ko agad ang premyo, ‘yung TF.

“Sabi ko, ‘Ito, magkaliwanagan tayo, ha. Ang TF ba at saka premyo, hiwalay?’”

Sabi raw ng kausap niyang taga-” It’s Showtime”, “Tatawagan ka namin ulit.”

Pero naayos naman ang lahat nang kahilingan ni Ethel dahil mapapanood na itong mag-perform sa “TNT”. (Ruel Mendoza)

Antoinette Taus napiling Ambassador ng UN Environment

Dahil sa kanyang advocacy to save the planet, ginawang National Goodwill Ambassador for the Philippines ang actress-singer na si Antoinette Taus ng United Nations Environment Programme.

Natanggap ni Antoinette ang designation na ito sa isang ceremony held last September 26 during the World Environment and Health Day in Manila.

Ayon sa post ng UN Environment Asia Pacific sa kanilang Facebook page:

“The UN Environment recognized her efforts in engaging Filipinos to care for Mother Nature.

“One is through her non-profit CORA, which harnesses the power of volunteers to address issues such as plastic pollution.

“It also highlights her social enterprise The Sustainable Planet, which benefits indigenous peoples and marginalized communities in the country.”

Dagdag pa ni Dechen Tsering, UN Environment Asia and the Pacific Office regional director:

“Antoinette is as passionate a voice for the environment as they come.

“We are extremely pleased she will be helping us raise the profile of the range of environmental challenges and opportunities facing the Philippines.”

Kabilang sa mga project ng 39-year-old actress-singer ay ang coastal cleanups sa Pilipinas, kasama na rito ang Manila Bay at Boracay. Pinangungunahan din niya ang pag-ban sa plastic products via #BeatPlasticPollution.

Sa pagiging National Goodwill Ambassador ni Antoinette, nagpasalamat ito sa collaboration niya with the youth sector, local communities at media partners. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *