Erwan binalandra ang ka-macho-han sa Twitter

Napa-wow ang mga netizen nang sa bibihirang pagkakataon ay nagbalandra ng kanyang kakisigan ang asawa ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff sa isa sa kanyang recent tweet.

erwan binalandra ang ka macho han sa twitter - Erwan binalandra ang ka-macho-han sa Twitter
erwann - Erwan binalandra ang ka-macho-han sa Twitter

Napa-wow ang mga netizen nang sa bibihirang pagkakataon ay nagbalandra ng kanyang kakisigan ang asawa ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff sa isa sa kanyang recent tweet.

Sa photo na pinost ni Erwan, nakatayo siya na half naked sa batuhan habang ang background ay ang napakagandang tanawin na falls. Kitang-kita naman ang kanyang six pack abs, nagngangalit na mga triceps kaya’t natakam ang ilan sa kanyang ka-macho-han.

“Treked about 3 hours through two ­Barangays in the mountains and ­abandoned overgrown rice terraces, to reach the ­powerful Fowa-as falls in Sadanga,” tweet ni Erwan.

Todo naman ang cheer ng mga maka-Erwan, porke nga may pelikula si Anne na may mga sex scenes kay Marco Gumabao na itinuturing nga ng ilan na sobrang papable.

Matatandaan na iniintriga si Erwan kung bakit tila hindi ito nagseselos sa ­mapangahas na role ni Anne sa “Just A Stranger”, pero sumagot ito na naiintindihan niya ang ­trabaho ng asawa at nagkakaunawaan sila tungkol dito.

Eh sa totoo lang, sa ganda ng katawan naman pala ni Erwan, panis si Marco! At walang dahilan para ipagpalit siya ng asawang si Anne. Ayon ‘yan sa mga netizens­, huh!

(Jun Lopez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *