Erik manghaharana: ‘Huling El Bimbo’, ‘Care Divas’ balik teatro

Buhay na buhay ang concert scene ngayong Nobyembre. Dahil nasubukan, at naging successful ang concert ni Daniel Padilla sa pamamagitan ng website (KTX.PH), marami nga ang naglakas ng loob na mag-concert na rin.

The post Erik manghaharana: ‘Huling El Bimbo’, ‘Care Divas’ balik teatro first appeared on Abante.

erik manghaharana huling el bimbo care divas balik teatro - Erik manghaharana: ‘Huling El Bimbo’, ‘Care Divas’ balik teatro
Erik Santos - Erik manghaharana: ‘Huling El Bimbo’, ‘Care Divas’ balik teatro

dondon sermino 14 - Erik manghaharana: ‘Huling El Bimbo’, ‘Care Divas’ balik teatroBuhay na buhay ang concert scene ngayong Nobyembre. Dahil nasubukan, at naging successful ang concert ni Daniel Padilla sa pamamagitan ng website (KTX.PH), marami nga ang naglakas ng loob na mag-concert na rin.

Kahapon (Nov. 1) ay napanood nang live si Soul Siren Nina, hindi lang sa Pilipinas kundi pati na sa Dubai, Australia, Japan. Korea, Canada.

Nagkaroon din ng chance ang mga fan ni Nina na makasama siya sa after-party online get-together.

Siguradong maraming fan ang kikilig sa mga kwento at awiting handog ng King of OPM Theme Songs na si Erik Santos sa concert niyang “Singcerely yours, Erik” ngayong November 21.

Sa halagang P500 ay pwedeng-pwedeng makatsikahan ng mga fan ang kanilang idolo, kung bumili sila ng VVIP ticket na P3,000 para sa virtual meet and greet.

Mapapanood din muli ang musical na “Ang Huling El Bimbo” sa November 28, 29. Maaring pumili ang mga viewer sa dalawang set ng cast member.

Sa Nov. 28, 3 PM at Nov. 29, 8 PM ang show ng red Team na kinabibilangan nina Tanya Manalang bilang batang Joy, Reb Atadero bilang batang Hector, Vic Robinson bilang si batang Emman, Lance Reblando bilang si batang Anthony, David Ezra ang gaganap kay Hector, si Myke Salomon sa role ni Emman, Rafa Siguion-Reyna bilang si Anthony, Carla Guevara Laforteza bilang si Joy, Elisha Campos bilang si Ligaya, at Paolo O’Hara naman bilang si Banlao.

Sa Nov. 28, 8 PM at Nov. 29, 3 PM naman ang show ng Blue Team kung saan kasali sina Gab Pangilinan bilang batang Joy, Bibo Reyes bilang batang Hector, Boo Gabunada bilang batang Emman, Phi Palmos bilang batang Anthony, si Gian Magdangal ang gaganap kay Hector, OJ Mariano naman kay Emman, Jon Santos bilang si Anthony, Menchu Lauchengco-Yulo ang gaganap bilang Joy, Salcedo bilang si Ligaya, at Jamie Wilson bilang si Banlao.

At siyempre, magbabalik teatro rin ang hit original Filipino musical ng Philippine Educational Theater Association, Vincent De Jesus at Liza Magtoto na Care Divas sa Nov. 27-29-Dec 4-6, 2020. The show, together with two other musicals, six new works and a PETA documentary will be available for limited pay-per-view via www.ktx.ph.

Ang Care Divas ay isang gut-wrenching at bittersweet story ng limang bading na OFW sa Israel na nagtatrabaho bilang mga caregiver sa umaga at mga drag queen sa gabi.

Una itong pinalabas noong 2011, at humakot ng maraming award.

Ang mga bida rito ay sina Melvin Lee (Chelsea), Vincent De Jesus (Shai), Ricci Chan (Kayla), Dudz Teraña (Thalia) and Buddy Caramat (Jonee).

Bukod sa Care Divas, mapapanood din ang ‘Si Tamad, Ang Diyablo, at Ang Limang Milyong Boto’ na sinulat ni harley Dela Paz and with music by Lucien Letaba.

Dapat ding abangan ang Maskian (The Masks of Asian), written and choreographed by Carlon Matobato, WFH written by Michelle Ngu, directed by Meann Espinosa, Finding Z written by Jean Gladys Vicente and directed by Ian Segarra and Julio Garcia, Harinawa written by Michelle Ngu and directed by Lotlot Bustamante, 2nd Set: 2 Meters Apart directed by Norbs Portales with musical direction by Ada Tayao, and Hello which features artists from PETA and Kyoto, Japan, directed by Ian Segarra and Keiko Yamaguchi.

At siyempre, ang Living Voices, a documentary about PETA’s work as one of the Philippine’s groundbreaking theater companies, woven together by narratives of PETA artists who witnessed the company’s trials and triumphs in the last 50 years.

Mabibilli ang mga tiket sa www.ktx.ph.

The post Erik manghaharana: ‘Huling El Bimbo’, ‘Care Divas’ balik teatro first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *