Erich maghihiganti sa mga lalake

Nakakalula ang sunod-sunod na bonggang announcement ng ABS-CBN tungkol sa mga bago nilang proyekto. Ang latest nga ay magkakaroon ng bagong serye si Erich Gonzales na pinamagatang “La Vida Lena.”

The post Erich maghihiganti sa mga lalake first appeared on Abante.

erich maghihiganti sa mga lalake - Erich maghihiganti sa mga lalake
Erich Gonzales 2 - Erich maghihiganti sa mga lalake

Nakakalula ang sunod-sunod na bonggang announcement ng ABS-CBN tungkol sa mga bago nilang proyekto. Ang latest nga ay magkakaroon ng bagong serye si Erich Gonzales na pinamagatang “La Vida Lena.”

Paghihiganti at pag-ibig ang tema nito ayon sa social media post na inilabas ni Erich na may nakalagay na “Revenge knows no love” sa teaser.

“The ultimate Erich Gonzales comeback!” naman ang caption sa post ng Dreamscape Entertainment. Matatandaang huling napanood si Erich sa teleserye niyang “The Blood Sisters,” kung saan pinuri ang dalaga sa pagganap niya ng triplets na magkakaiba ang personalidad.

Bongga nga naman ang pagbabalik ni Erich dahil ang popogi at kikisig ng mga makakasama niyang leading man – sina JC de Vera, Kit Thompson, at Carlo Aquino.

Kasama rin sa cast si Sofia Andres at mukhang ito rin ang magiging comeback project niya sa ABS-CBN matapos niyang isilang ang kanyang anak.

Kasama rin sa proyekto sina Agot Isidro, Janice de Belen, Raymund Bagatsing, Pen Medina, Christian Vasquez, Malou Crisoloo, at Ruby Ruiz. (Dondon Sermino)

The post Erich maghihiganti sa mga lalake first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *