Erich bibida sa Kazakhstan

Mas makikilala pa ang husay ng mga teleseryeng gawang Pinoy abroad dahil eere sa unang pagkakataon ang Kapamilya crime drama series na “The Blood Sisters” starring Erich Gonzales sa Kazakhstan via Channel 31, isa sa mga nangungunang networks sa naturang bansa.

The post Erich bibida sa Kazakhstan appeared first on Abante News Online.

erich bibida sa kazakhstan - Erich bibida sa Kazakhstan
Abante erich - Erich bibida sa Kazakhstan

Mas makikilala pa ang husay ng mga teleseryeng gawang Pinoy abroad dahil eere sa unang pagkakataon ang Kapamilya crime drama series na “The Blood Sisters” starring Erich Gonzales sa Kazakhstan via Channel 31, isa sa mga nangungunang networks sa naturang bansa.

Dahil sa matagumpay na deal ng ABS-CBN at Channel 31, mas tumibay pa ang reputasyon ng Kapamilya network bilang producer ng mga magagandang tele-serye na tinatangkilik ng international viewers.

Bukod sa “The Blood Sisters,” ilan din sa mga Kapamilya teleseryes na namamayagpag sa abroad ngayong taon ay ang “Pangako Sa’Yo” sa Dominican Republic, “Halik” sa Tanzania, at ang inaabangang local adaptation ng “Hanggang Saan” sa Turkey.

Noong 2018, maaalalang laging panalo sa timeslot nito ang “The Blood Sisters” na naging usap-usapan rin ng netizens sa Twitter dahil sa magandang takbo ng kuwento nito na tinutukan ng sambayanang Pilipino. (Dondon Sermino)

The post Erich bibida sa Kazakhstan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *