Enrique todo alaga kay Liza sa US

Jackpot naman talaga si Enrique Gil kay Liza Soberano, dahil sa sobrang ganda nito. Pero sa totoo lang, sa pinagdaraanan ni Liza ngayon, mas sobrang jackpot din talaga siya sa boyfriend niya.

The post Enrique todo alaga kay Liza sa US appeared first on Abante News Online.

enrique todo alaga kay liza sa us - Enrique todo alaga kay Liza sa US
Abante liza qeun - Enrique todo alaga kay Liza sa US

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Enrique todo alaga kay Liza sa USJackpot naman talaga si Enrique Gil kay Liza Soberano, dahil sa sobrang ganda nito. Pero sa totoo lang, sa pinagdaraanan ni Liza ngayon, mas sobrang jackpot din talaga siya sa boyfriend niya.

Imagine, sa panahon na hirap na hirap ang isang babae, hindi lang emotional, kundi physical na rin, dahil sa paulit-ulit na operasyon sa kanyang finger, heto nga at may isang lalaki, na hinding-hindi siya iniiwan sa lahat ng oras.
Oo nga, palaging bantay, nasa paligid lang, si Enrique para paligayahin si Liza. Na parang kung iisipin mo, teka lang naman, may sariling career rin si Enrique sa Pilipinas. Pero para sa kanya, ang maalagaan, masamahan, mapagsilbihan ang babaeng mahal na mahal niya ang mas mahalaga ngayon.
#LabanLizQuen nga ang nanguna kahapon sa Twitter, at ipinapakita nga rito kung paano sama-han, pasayahin ni Enrique si Liza, sa gitna ng paghihirap, sakit nito.
At oo nga, sabi nga nila, hindi man perpekto si Enrique, pero may sarili itong paraan para ipadama ang malinis niyang hangarin sa dyowa niya. Walang iwanan!
At maraming photo nga na naglabasan, na sa halip na ang magagandang tanawin sa paligid ang titigan ni Enrique, sa mukha ni Liza siya nakatingin. Feel na feel mo nga ang matinding pagmamahal niya sa dalaga.
Well…

Paulo Avelino hinamong magbuyangyang ng ‘nota’

Pinag-comment si Paulo Avelino ng netizen tungkol sa dalawang photo niya na nakatapis lang siya ng tuwalyang puti, na halos masilip na ang itinatago niya, ha! Kuha ang mga photo na ‘yon sa eksena niya sa pelikula nila ni Jake Cuenca sa Regal Entertainment noon.

Ang eksena roon, naghahanap siya ng damit, at bagong paligo nga siya kaya tapis lang ang suot niya. Eh, sa itsura ng tapis, mukha nga kasing mahuhulog ito, at bubulaga ang kanyang itinatago.

At doon nga nagsimula ang chikahan ng mga fan niya. Ang sagot kasi ni Paulo, ‘Kahit tanggalin ko ‘yan, may pagsasabitan pa rin.’

In-assume ng mga fan niya na ang ‘nota’ niya ang tinutukoy na pagsasabitan ng tuwalya. At ‘yun na nga, sunod-sunod ang hiling na ipakita na niya ang ‘ari’ niya, ha! At sa Twitter nagaganap ang wish nilang ‘yon. Kaloka, ‘di ba?

Gusto ngang mapatunayan ng mga fan niya na ‘dakota’ talaga siya, kaya sunod-sunod nga ang pagha-mon nila. Pero siyempre, dedma si Paulo, at malamang tawa lang siya nang tawa, na binulabog niya ang imahinasyon ng mga Twitter follower niya.

Heto nga ang hiling ng mga fan niya, na sa tingin ko ay puro kababaihan, base sa kanilang mga profile photo:

@jegobayani, “Puro salita, ayaw na lang ipakita.”
@Beeecccc, “Ilang inch yung pagsasabitan mo?”
@andreatsoriano, “weh patingin nga.”
@melissadizon, “daming uhaw na babae po_a.”
@sunikkissed, “Grabe. Alam naman namin na pinagpala ka sa lalaking lahat.”
@darrylbalanon_ “pasabit kahit kabit char.”
@Vonnerrs, “Panay flex nya eh, la namang pruweba. Charot.”
@LindsaySawyer7 “tingin nga ng sasabitan.”
@KwinBeeeeee, “Napakabastos! Panagutan mo ngayon tong nararamdaman ko sayo!”
@lindy_juario, “Wtf @mepauloavelino kapag tanggalin mo yang towel jusko mabibinyagan na mga mata namin.”
@DannicaTria, “Ang harot mo nanaman. Anong nakain mo? Pa-kain q din sa kanya para magharutan kaming da-lawa.”
Kaloka! Iba na talaga ang world ngayon!

The post Enrique todo alaga kay Liza sa US appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *