Enchong: Isa kang kahihiyan, Panelo

Isa sa mga responsibilidad ng mga pampublikong opisyal ay tiyaking naberipika nila ang kanilang nalalamang impormasyon.

The post Enchong: Isa kang kahihiyan, Panelo first appeared on Abante.

enchong isa kang kahihiyan panelo - Enchong: Isa kang kahihiyan, Panelo
salvador - Enchong: Isa kang kahihiyan, Panelo

Isa sa mga responsibilidad ng mga pampublikong opisyal ay tiyaking naberipika nila ang kanilang nalalamang impormasyon.

Lalo pa kapag ikaw ang legal advisor ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Enchong Dee.

Nagkomento ang Pinoy aktor sa balitang humingi ng paumanhin si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, maging si Defense Secretary Delfin Lorenzana, kay Vice President Leni Robredo sa alegasyong gumamit ang huli ng eroplano ng pamahalaan para makapunta sa mga nasalanta sa Bicol.

Pinabulaanan ni Robredo ang paratang ni Panelo tungkol sa kanyang paggamit ng Philippine Air Force C-130 plane para makapunta ng binagyong Catanduanes.

Agad naman umanong nag-text si Panelo sa Bise matapos niyang maberipika ang impormasyon mula sa kalihim at malaman na mali ito.

“One of the responsibilities of a public official is to make sure they’re fact-checking their information, most specially if you are a legal advisor,” tweet ni Dee, Huwebes ng hapon.

“You are an embarrassment Panelo,” aniya pa. (SDC)

The post Enchong: Isa kang kahihiyan, Panelo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *