Enchong humagulgol sa swimming coach

Hindi na dapat pagtakhan kung isa sa mga darating na buwan o taon ay mababalitaan na lang nating nagtayo na ng sarili niyang school si Enchong Dee.

The post Enchong humagulgol sa swimming coach appeared first on Abante News Online.

enchong humagulgol sa swimming coach - Enchong humagulgol sa swimming coach
enchong - Enchong humagulgol sa swimming coach

oh, laban ka?
rey pumaloy

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Enchong humagulgol sa swimming coachHindi na dapat pagtakhan kung isa sa mga darating na buwan o taon ay mababalitaan na lang nating nagtayo na ng sarili niyang school si Enchong Dee.

Sa naging trip niya sa Switzerland kamakailan lang, isa ito sa mga nagbukas ng ideya kay Enchong na ituloy lang ang advocacy niyang magturo sa mga bata.

Nakapag-umpisa na ang aktor sa swimming lesson sa mga bata, at ngayon naman ay gusto niyang maging malaki ang advocacy niya na maging bahagi sa edukasyon ng mga bagets.

Ayaw munang sabihin ni Enchong kung anong klaseng school ito. Gusto muna niyang planuhing mabuti bago niya ito ibahagi sa publiko.

Malaki ang naging impact kay Enchong ng kanyang coach sa swimming kaya ninais nitong magturo ng swimming sa mga bata. Naging emotional si Enchong sa testimony niya sa “Kaakbay, Sunlife Lifetime Partner” video habang ikinukuwento niya ang kalungkutan nang mawala ang swimming coach niya.

Matapos ang buong programa, nilapitan ni Enchong ang pamilya ng kanyang coach at umiyak sa balikat niya ang asawa nito.

Bukod kay Enchong, may testimony rin sa kani-kanilang mga lifetime partner sina Ms. Charo Santos-Concio, Matteo Guidicelli at ang mag-amang Piolo at Iñigo Pascual.

Ellen Adarna ‘di
na babalik sa showbiz

Hindi na babalik pa sa showbiz si Ellen Adarna o kahit mag-artista pa, ayon kay Beauty Gonzales. Sa nakaraang pa-nayam ng “Abantelliling” kay Beauty sa presscon ng “Kadenang Ginto”, sinabi nitong wala na raw plano si Ellen na bumalik pa sa showbiz.

Sabi pa ni Beauty, hindi naman raw kailangan ni Ellen na mag-trabaho o mag-artista.

Nakuha namin ang ibig sabihin ni Beauty dahil mayaman ang pamilya nito sa Cebu at hindi na nito kailangan pang magbanat ng buto para mabuhay.

Nang kumustahin namin ni Dondon Sermino ang kalagayan ng controversial sexy actress, sinabi nitong masaya ito sa buhay nito ngayon.

Samantala, hindi lang pangarap ni Beauty ang natupad nang magbida ito sa “K­adenang Ginto”, ma-ging ang kanyang assistant ay natupad rin ang pa-ngarap na makabili ng bagong sasakyan.

Mula sa kinita ni Beauty sa “Kadenang Ginto” ang ipinambili nito ng sasakyan para sa kanyang assistant, kaya naman maluha-luha ang aktres habang nakatingin ito sa alalay na pinangingiliran rin ng luha sa kasiyahan.

Stage actor sumuko sa panlalait

Umaayaw na sa paggawa o paglabas sa pelikula ang Aliw Awardee stage actor na si Vince Tañada, dahil sa hindi nito makayang paghihintay sa set at sa mga comment ng ibang media.

Sa launching ng lalabas nilang musical production under Philippine Stagers Foundation, ang “Sindak 1941”, sinabi ni Direk Vince na matapos siyang magbida sa dalawang pelikula at lumabas sa “Hesusa” ni Sylvia Sanchez, umayaw na siya sa iba pang offer.

Paliwanag niya, hindi niya kaya ang maghintay nang matagal sa set dahil sanay siya at ang kanyang buong team na dalawang oras dire-diretsong tumatakbo ang kanilang play.

Nasasaktan din siya sa tuwing makakarinig siya ng pamimintas ng mga press sa premiere nights ng pelikulang dinadaluhan niya. Mas masaya si Vince na makita ang overwhel-ming reactions ng mga estudyanteng pinagtatanghalan nila sa iba’t ibang schools sa buong ‘Pinas.

Gaya nitong “Sindak 1941” na siguradong kagigiliwan ng mga audience sa pagbubukas nito sa mga theater venues sa July 11 at tatakbo hanggang March 2020.

The post Enchong humagulgol sa swimming coach appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *