Ellen tutulong sa mga inabandonang bata

Ang lubid nga ang ibinebenta ni Ellen Adarna, para makatulong sa mga orphan, inabandonang mga bata, sa ilalim ng project na @ropeflowphilippines.

ellen tutulong sa mga inabandonang bata - Ellen tutulong sa mga inabandonang bata
ellen 1 - Ellen tutulong sa mga inabandonang bata

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Ellen tutulong sa mga inabandonang bataAng lubid nga ang ibinebenta ni Ellen Adarna, para makatulong sa mga orphan, inabandonang mga bata, sa ilalim ng project na @ropeflowphilippines.

Ipinakilala ni Ellen sa kanyang Instagram ang isang jumping rope na isinunod sa pangalan niyang “Adarna”. Ayon kay Ellen, ang ilang porsiyento nang kikitain ay du-donate niya sa mga batang inabandona.

Sabi pa ni Ellen, nakatulong sa kanyang mental health ang pagi-exercise gamit ang jumping rope.

Joshua ipinagyabang ang kakisigan, kaguwapuhan

Binuhat ni Joshua Garcia ang sariling bangko para pasayahin ang kanyang mga fan sa social media. Ipinagyabang ni Joshua ang kanyang mga katangian.

“I haven’t posted in a while but I’m still very cute and sexy…just to keep you updated. Hahahaha,” sabi niya.

Kinilig naman ang mga fan sa post niya.

Joseph Marco todo halikan sa Russian model

Mabagsik pala talaga ang panlasa ng Kapamilya actor na si Joseph Marco sa pagpili ng jojowain, dahil ang bago nitong kasintahan ay isang Russian model na si Darja Romanova, na naninirahan dito sa Pilipinas.

Ang naturang modelo ang ipinalit ni Joseph sa ex-girlfriend na si Celesti Cortesi, isang Italian-Filipino, na nakoronahang Miss Earth 2018.

Ibinalandra ni Joseph ang pag-ibig sa Russian beauty sa Instagram, na puno ng mga larawan na nagpapakita kung gaano sila kalambing.

May isang larawan na naghahalikan silang dalawa, ha!

“At times I would find myself crying with happiness. The moment you walked into my life I found a side of me I never knew I had. A side that would sacrifice everything for your happiness. I’ve never felt so safe and secured like this. Now I know that you’re the missing piece I’ve been trying to find. You bring so much joy and love to my life. I always look forward to being home to you and spending time with you. You have the sweetest and most loving heart. Thank you for loving me and accepting my love in return. I love you today and for all my tomorrows. @darjaromanova,” sabi ni Joseph.

Kaya naman pala panay ang balandra ng kanyang sexy body in a bikini si Celesti, para ipamukha kay Joseph na mas maangas ang ganda niya kesa sa bago nitong dyowa.

Anak nina Juday, Ryan kabogera sa pagkanta

Pinahanga ni Yohan ang mga fan ng mga magulang niyang sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Nag-post si Ryan sa Instagram ng video ni Yohan na tumutugtog ng piano at kumakanta pa.

Mapapanood ang malamyos na pagkanta ni Yohan ng “Someone Like You” ni Adelle.

Ang purpose ng pag-post ni Ryan ay para ibahagi sa mga fan ang talent ng anak sa pagkanta. Super proud nga sila ni Juday kay Yohan dahil bukod sa mabait, matalino at talented pa.

Kritiko ni Digong lalayas ng Pilipinas

Gusto na ring iwanan ni Direk Quark Henares ang Pilipinas at manirahan sa Australia. Sa tweet nito kina Anne Curtis at Erwan Heussaff, sinabi ni Quark na gusto na niyang paampon sa dalawa at sa Australia manirahan.

“Paranggggg…better to stay in Australia na lang no? Are you and Erwan legally allowed to adopt people in their 30’s?” sabi niya.

Isa si Quark sa mga kilalang kritiko ng gobyerno ni Pangulong Duterte, lalo na sa pag-handle nito ng problema sa Covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *