Ellen trending ang payo sa mga tanga

Trending sa Twitter ang pagiging prangka ni Ellen Adarna. Bet na bet ng mga netizen ang pagiging prangka, matapang, at makatuwirang mensahe niya para sa mga babae, o tao, na paulit-ulit na pumapayag na maging tanga dahil sa pag-ibig.

The post Ellen trending ang payo sa mga tanga first appeared on Abante.

ellen trending ang payo sa mga tanga - Ellen trending ang payo sa mga tanga
abante ellen - Ellen trending ang payo sa mga tanga

Trending sa Twitter ang pagiging prangka ni Ellen Adarna. Bet na bet ng mga netizen ang pagiging prangka, matapang, at makatuwirang mensahe niya para sa mga babae, o tao, na paulit-ulit na pumapayag na maging tanga dahil sa pag-ibig.

Nagpa-‘ask me a question’ kasi si Ellen sa Instagram story niya, at isa nga sa tanong, mensahe, na sinagot niya ay ito…

“Nasakpan nasad nko akong uyab nay lain, unsaon nko mamsh?”

Well, sabi ng mga netizen, parang ang ibig sabihin lang ng tanong ay, nasaktan na naman siya ng kanyang dyowa, dahil niloko siya ulit nito.’

Kaya ang sagot nif Ellen…

“You deserve what you tolerate!”

Well, yan nga raw ang tamang mensahe na dapat marinig ng mga tao na paulit-ulit na nagpapakatanga sa pag-ibig. Oo nga naman, bakit mo hahayaan ang sarili mo na saktan ka nang paulit-ulit, eh, malaking katangahan na `yon, at deserve mo na nga `yon.

So, dahil sa pagiging makagutiwiran at prangka ni Ellen sa pagbibigay ng payo, mensahe, puwede na nga siyang magkaroon ng sariling show, na ang tema ay nagbibigay siya ng mga prangkang mensahe, di ba?

Dumami tuloy ang humanga kay Ellen, na sabi nga, si Ellen daw ang tipo ng kaibigan na kakailanganin mo, sa panahon na ito. Na hindi ka bibigyan ng plastikadang mensahe, at paprangkahin ka talaga, na ibibigay sa iyo ang dapat mong marinig. (Dondon Sermino)

The post Ellen trending ang payo sa mga tanga first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *