Ellen todo emote sa Thailand, super kanta ng ‘break-up song’

Ang mga kaibi­gang sina Beauty Gonzales (kasama ang anak) at Vito Selma ang kasa-kasama ni Ellen Adarna ngayon sa Thailand. At sa latest Instagram story nina Beauty at Vito, makikita si Ellen na pakanta-kanta.

ellen todo emote sa thailand super kanta ng break up song - Ellen todo emote sa Thailand, super kanta ng ‘break-up song’
abante Ellen Adarna - Ellen todo emote sa Thailand, super kanta ng ‘break-up song’

Ang mga kaibi­gang sina Beauty Gonzales (kasama ang anak) at Vito Selma ang kasa-kasama ni Ellen Adarna ngayon sa Thailand. At sa latest Instagram story nina Beauty at Vito, makikita si Ellen na pakanta-kanta.

Kung titingnan mo, parang hindi apektado si Ellen sa mga tsismis, usap-usapan na hiwalay na sila ni John Lloyd Cruz ngayon. Pero, puwede ring sabihin na ang ‘pagwawalwal’ sa Thailand ang ginamit niyang hagdan para magtanggal ng tinik sa dibdib.

Anyway, pati nga ang kanta ni Ellen na “Insensitive” sa IG story ng mga kaibigan niya ay binigyang kahulugan na rin. Sabi nga, ang “Insensitive” raw ay ang ultimate break-up song ng mga babae, o ng kahit sinong tao, na nagmahal, pero nabigo sa pag-ibig.

Sa isang blog ay nabasa ko ang iba’t ibang interpretasyon tungkol sa kantang “Insensitive”.

Sabi ng isa, ito nga raw ay kuwento ng isang nila­lang na na-in love sa isa, pero ang pagmamahal na ‘yon ay hindi raw nasuklian. Malinaw nga raw kasi ang mga linya sa kanta na, ‘vagueness in eyes, casual goodbyes, chill embraces.’

Pero, ang iba pang kahulugan daw talaga ng kanta, na kahit hindi naibalik ang pagmamahal na ‘yon, nananatili pa ring mahal ng taong ‘yon ang taong hindi nagsukli ng pagmamahal sa kanya.

May nagsabi rin na ang kanta ay tungkol sa isang babae na still madly in love with a guy who broke her heart, na hindi pa rin niya maalis sa isip niya ang naturang lalaki.

Pero, ‘yun na nga, ultimate breakup song daw talaga ito. Na kapag kinakanta mo, hindi talaga maiiwasan na maluha ka pa rin.

May kinalaman nga ba ang kantang “Insensitive” na ito sa estado ng buhay ni Ellen? Na oo nga naman, sa dinami-rami ng kanta, bakit ang “Insensitive” pa ang inawit niya?

Oh, siya, aba­ngan na lang natin ang mga susunod na eksena! (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *