Ellen, John nag-date sa steak house

Barkada sina John Estrada at Derek Ramsay, kaya nakitang kasama ang huli sa pakikipag-bonding ng una kay Ellen Adarna sa isang steak house sa Shangri-La The Fort.

The post Ellen, John nag-date sa steak house first appeared on Abante.

ellen john nag date sa steak house - Ellen, John nag-date sa steak house
John x Ellen - Ellen, John nag-date sa steak house

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 2 300x180 - Ellen, John nag-date sa steak houseBarkada sina John Estrada at Derek Ramsay, kaya nakitang kasama ang huli sa pakikipag-bonding ng una kay Ellen Adarna sa isang steak house sa Shangri-La The Fort.

Ang bonding na ‘yon nina John at Ellen ay noong bago sila nag-pullout para naman sa lock-in taping ng kanilang “John En Ellen” sitcom for TV5.

Masaya raw ang grupo nila sa nasabing restaurant. Para raw mas maging familiar sa isa’t isa sina John at Ellen para sa kanilang new sitcom ang bonding na ‘yon.

Marami na nga ang excited sa “John En Ellen” lalo na at nagawa ring makapag-sitcom noong araw ni John sa “Palibhasa… Lalake” with Richard Gomez, Joey Marquez and others.

Si Ellen, mukhang handa naman daw na magpatawa lalo na at showbiz comeback niya ang nasabing sitcom.

Samantala, ang tsika nga pala, magkapitbahay na ngayon sina Derek at Ellen sa isang posh exclusive village sa south of Metro Manila.

May bagong bahay pala sa lugar na ‘yon si Derek. Ang laki nga raw ng bagong bahay ni Derek.

Ang bongga!

***

‘Away’ nina Jodi, Iza mabenta sa mga fan

Medyo mahaba-haba ang bakasyon ngayon ng cast and staff ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” lalo na at mukhang nasa ibang bansa pa ang ibang involved sa nasabing series ng ABS-CBN.

Sabi ng isang nakatsikahan ko, parang last week of January pa ang COVID-19 swab testing ng cast at first week of February na ang taping nila.

Marami pa naman daw advanced episodes na nakunan sa series na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Sam Milby at Jodi Sta. Maria.

“Parang hanggang March yata, meron pang advanced episodes,” sey ng katsikahan ko.

Ang alam din ng katsikahan ko, last lock-in taping na ‘yung gagawin.

Pero, sobrang hit ng “Ang Sa Iyo Ay Akin”, kaya posibleng magkaroon uli ng extension lalo na at nasa book two na sila?

Gustong-gusto pa naman ng mga fan ang awayan nina Iza at Jodi, huh!

***

Gerald, Yam magkasama sa Feb. 14

Ang “Init Sa Magdamag” naman na pagbibidahan nina Gerald Anderson, Yam Concepcion at JM de Guzman, hindi pa man nagsisimulang umere, nasa cycle 4 na ang lock-in taping.

Hanggang sa end of the month ang lock-in taping nila ngayon at magpapahinga lang ng two weeks at cycle 5 na kaagad sila na ang pullout daw ay February 12.

So, sa lock-in taping na pala aabutin ng Valentine sina Gerald, Yam at JM.

***

Michael Cinco binigyan ng gown ang 2 Hollywood star

Sa interview ko sa sikat na international fashion designer na si Michael Cinco na Dubai, United Arab Emirates, inamin niya na malaking bagay pa rin ang local celebrities natin sa pagsikat niya noong bago-bago pa lang siya.

Sina Angel Locsin, Anne Curtis at Ruffa Gutierrez nga raw ang mga una niyang binihisan bago pa man niya nagawan ang ilang mga Hollywood celebrity.

Pero kahit kilalang-kilala na siya dahil pati royalties ay ginagawan niya ng gown, may dalawang Hollywood stars pala ang napadalhan na niya ng collections niya, pero hindi naman daw naisusuot pa ang mga ‘yon.

Kung sino ang dalawang Hollywood stars na ‘yon, puwede ninyong i-check sa “Anything Goes” online show ko sa Facebook page ng Abante News Online.

The post Ellen, John nag-date sa steak house first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *