Ellen Adarna nagpasilip ng singit

Kaloka talaga si Ellen Adarna. Sa Instagram niya, sapatos talaga ang type ibenta, pero dahil sa itsura niya, suot niya, iba ang napansin ng mga fan.

The post Ellen Adarna nagpasilip ng singit first appeared on Abante.

ellen adarna nagpasilip ng singit - Ellen Adarna nagpasilip ng singit
Ellen Adarna - Ellen Adarna nagpasilip ng singit

dondon sermino 6 - Ellen Adarna nagpasilip ng singitKaloka talaga si Ellen Adarna. Sa Instagram niya, sapatos talaga ang type ibenta, pero dahil sa itsura niya, suot niya, iba ang napansin ng mga fan.

Kasi nga, bagamat naka-shirt siya, pero naka-panty naman kasi siya. At may mga anggulo siya na nakabukaka, kaya ang mga male fan, sinipat-sipat ang singit niya.

May mga nagrereklamo tuloy, na ano ba talaga ang type palabasin ni Ellen? Na endorser ba talaga siya ng rubber shoes, o gusto lang niyang ipasilip ang kaseksihan niya?

At kaloka, dahil sa IG na ito ni Ellen, marami na naman ang nag-away-away, ha! Ganun kababaw ang buhay ngayon, na dahil lang sa isang IG post, nagkakagulo na sila.

***

Arci, Angelica sabak sa bakbakan

Tuloy-tuloy pa rin talaga ang ABS-CBN sa paggawa ng mga bagong teleserye. Pinalabas na nga ang teaser ng “Walang Hanggang Paalam” nina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Paulo Avelino, at Arci Munoz.

Sa teaser na in-upload ng Dreamscape Entertainment Television, kitang-kita na maaksyon ang mga magiging kaganapan, na nagsimula nang makidnap ang anak nang magkahiwalay na sina Angelica at Paulo, kaya mapipilitan silang magsama para hanapin ang anak nila.

Kaso may mga bago na silang karelasyon, sina Zanjoe at Arci, kaya mas kumplikado ang sitwasyon.

Umani rin agad ang teaser ng libong view na may nakakaintrigang caption na “Sa gitna ng krisis…Sino ang mahalaga sa’yo? Ano ang mas importante? Sino ka bilang tao?”

Hindi rin naitago ng mga solid Kapamilya fan ang kanilang pagkasabik na mapanood ang bagong teleserye.

Ayon sa Facebook user na si Mhargelyn Belmonte, “Iba talaga gumawa ng teleserye ang Kapamilya network worth it talaga at mapapaabang ka sa ganda ng kwento. Sana bumalik na ang ABS-CBN.”
Komento naman ni Paul Carriaga Madrid, “Grabe isa na nman dekalidad at super gandang teleserye iba talaga ang kapamilya forever.”
May sariling patikim din si Angelica na nag-post ng litrato sa Instagram ng taping kasama sina Paulo at Zanjoe na nakalagay “Soon.”

Dami pa rin talagang aabangan sa ABS-CBN ha, kaya abang-abang lang fans dahil siguradong marami pang sorpresang mga palabas na ihahandog ang Kapamilya network sa online at cable.

***

Kyline hindi pa handa sa lampungan

Ngayong 18 years old na si Kyline Alcantara, inamin niyang handa na siyang tumanggap ng “mature” at “challenging” roles.

“I will accept more ‘mature’ or like ‘challenging roles’ because people will expect more from me. So that’s a challenge for me and I like challenges,” sabi niya.

“Feeling ko naman as an artista we need to evolve, we need to level up. So, yeah. I think I’m ready to mature but not in a very sexual way,” dagdag pa niya.

Hiling din ni Kyline para sa kanyang kaarawan ay mas dumami pa ang kanyang “Sunflowers,” ang tawag sa kanyang mga fan.

“Gusto ko mas dumami ‘yung Sunflowers ko. And mas magkaroon ng maraming blessings sa career, of course. With my family, maging safe po, mas humaba pa po ‘yung buhay nating lahat, mawala na po ang COVID para makapagtrabaho na po,” lahad ng Kapuso star.

Habang hindi pa nagbabalik-telebisyon ang Bilangin ang Bituin sa Langit, napapanood si Kyline sa All-Out Sundays tuwing Linggo at sa rerun ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.

The post Ellen Adarna nagpasilip ng singit first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *