Ella Cruz naaksidente sa motor

Nag-alala ang mga supporter ni Ella Cruz sa pinoste nitong video sa Instagram. Ipinapakita ang pagmamaneho ng actress ng motorsiklo.

The post Ella Cruz naaksidente sa motor first appeared on Abante.

ella cruz naaksidente sa motor - Ella Cruz naaksidente sa motor
Ella Cruz - Ella Cruz naaksidente sa motor

Nag-alala ang mga supporter ni Ella Cruz sa pinoste nitong video sa Instagram. Ipinapakita ang pagmamaneho ng actress ng motorsiklo.

Maayos sa umpisa ang pagpapatakbo ni Ella, pero nang pumaling na ang katawan nito para lumiko nalaglag siya motor at nagpagulong-gulong sa kalsada.

Mabuti na lang at hindi masyadong mabilis ang kanyang takbo at naka-full protective gear ang aktres kaya naman hindi ito masyadong nagalusan.

Kahit nababalutan ng proteksyon ang katawan nito, nalagay rin sa peligro ang kanyang buhay. Pinagsabihan si Ella ng kanyang mga tagahanga na isara ang visor ng kanyang helmet.

Bagamat hindi ito ang dahilan ng pagkakasemplang sa motor ng aktres, delikadong makasanayan nito na nakabukas ang visor, sa posibleng pagpasok ng kung anu-ano sa kanyang mga mata habang nagmamahero at maging prone siya sa aksidente at baka mabulag pa siya. (Rey Pumaloy)

The post Ella Cruz naaksidente sa motor first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *