Elisse ‘pinaiyak’ ni McCoy

Bonggang pogi points ang nakuha ni McCoy de Leon kay Elisse Joson, dahil sa effort niyang pagsama-samahin sa isang video ang mga moment nila ng dyowa, kalakip ang birthday greetings ng halos lahat ng kanilang mga showbiz friends, para i-celebrate via virtual ang kaarawan ng aktres.

The post Elisse ‘pinaiyak’ ni McCoy first appeared on Abante.

elisse pinaiyak ni mccoy - Elisse ‘pinaiyak’ ni McCoy
mclise - Elisse ‘pinaiyak’ ni McCoy

Bonggang pogi points ang nakuha ni McCoy de Leon kay Elisse Joson, dahil sa effort niyang pagsama-samahin sa isang video ang mga moment nila ng dyowa, kalakip ang birthday greetings ng halos lahat ng kanilang mga showbiz friends, para i-celebrate via virtual ang kaarawan ng aktres.

Pinoste ni Elisse sa kanyang Instagram ang video conference na kinabibilangan nina Jane de Leon, Sue Ramirez, Javi Benitez, Enzo Pineda, Michelle Vito, Alexa Ilacad, Sofia Andres at marami pang iba.

Si McCoy ang kumanta ng background theme at nag-ipon ng mga greeting ng mga malalapit nilang kaibigan.

Nagpasalamat si Elisse sa kasintahan dahil pinasaya siya nito sa mga sandaling iyon.

“Miles away” ang deskripsyon ni Elisse sa kanyang location kaya nagkakasya na lang siya sa video chat kay McCoy.

“Iyakin talaga ako, pero tears of joy,” sabi pa ni Elisse. (Rey Pumaloy)

The post Elisse ‘pinaiyak’ ni McCoy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *