Elisse, McCoy super lambingan sa yate

Kinilig ang mga fan ni McCoy de Leon sa latest photo posting niya ng larawan sa Instagram. Tila nasa isang yate si McCoy para sa isang romantic dinner, na nakaupo at masuyong ginagawaran ng halik sa noo ang isang babae.

The post Elisse, McCoy super lambingan sa yate first appeared on Abante.

elisse mccoy super lambingan sa yate - Elisse, McCoy super lambingan sa yate
Mccoy and Elisse - Elisse, McCoy super lambingan sa yate

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Elisse, McCoy super lambingan sa yateKinilig ang mga fan ni McCoy de Leon sa latest photo posting niya ng larawan sa Instagram. Tila nasa isang yate si McCoy para sa isang romantic dinner, na nakaupo at masuyong ginagawaran ng halik sa noo ang isang babae.

Naka-side view ang babae sa larawan pero malinaw na makikitang si Elisse Joson ang ka-date ng aktor.

Hindi napigilan ng mga fan, follower, kaibigan ni McCoy na hindi kiligin sa kanilang mga comment sa nakitang lambingan at pagiging sweet nila.

Hindi pa kinukumpirma o nililinaw ni McCoy kung para saan ang nasabing larawan, may konklusyon ang mga follower nila na nagkabalikan na ang dating magkasintahan.

May ibang nagsabi sa kanilang comment na naiyak sila sa kasiyahan sa nakitang itsura ng dalawa.

Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa, kaya tumagal nang halos dalawang taon na hindi sila nag-usap.

Nakatulong yata ang COVID-19 pandemic para magkabalikan sila.

Sa caption, nagparamdam si McCoy na hindi naman nawala ang pagmamahal niya kay Elisse.

“Always all ways,” sabi niya.

***

Robi luhaan na nagpaalam sa Myx

Naging emosyonal at napaiyak si Robi Domingo sa Zoom meeting-conference nila ng mga kapwa Myx team, kabilang na ang mg staff at ilang host nito.

Hindi napigilan ni Robi ang umiyak habang sinasabi nito ang farewell message niya sa mga kausap, at ang kalungkutan sa sinapit ng kanilang programa.

Ang Myx ang nag-iisang Pinoy music video channel sa telebisyon, na nagbibigay rin ng mga parangal para sa mga mahuhusay na local singer, band, pati sa mga natatanging music video.

Ang Myx ay kabilang sa mga nagsara na channel ng ABS-CBN kaugnay sa hindi pag-apbruba sa prangkisa ng network.

Habang tahimik lang na nakikinig ang mga kausap, umiiyak nga si Robi, pati na ang iba.

***

Philmar gigil sa alindog ng asawa

Sa ikalawang pagkakataon ay buntis na naman si Andi Eigenmann sa asawang si Philmar Alipayo. Gusto yatang bumuo ng isang basketball team sa Siargao si Philmar, kaya kahit isang taon pa lang ang kanilang anak na si Lilo ay binuntis na niya uli si Andi.

“It’s finally out! Happy to announce that we’re expecting another little member of the #happyislafam due in 2021,” saad ni Andi.

Pinoste ni Philmar ang larawan ni Andi na medyo umbok na ang tiyan.

@chepoxz, “Another blessing coming in 2021. I love you so much mahal ko @andieigengirl.”

Well, sa ganda ni Andi, hindi talaga maiiwasang manggigil si Philmar sa kanya, no!

The post Elisse, McCoy super lambingan sa yate first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *