Elijah, Kokoy hiwalay na

Lungkot-lungkutan ang mga fan nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos dahil ‘hiwalay’ na nga ang mga idolo nila.

The post Elijah, Kokoy hiwalay na first appeared on Abante.

elijah kokoy hiwalay na - Elijah, Kokoy hiwalay na
GameBoys - Elijah, Kokoy hiwalay na

Lungkot-lungkutan ang mga fan nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos dahil ‘hiwalay’ na nga ang mga idolo nila.

Matapos nga ang 13 na episode ng BL (boys love) serye nilang Gameboys, pinaghiwalay na nga muna sila ng IdeaFirst Company, na pag-aari nina Direk Perci Intalan, at Direk Jun Lana.

Ang bongga nga ng pa-hashtag nilang #GameboysTilWeMeetAgain, na parang sina Nora Aunor at Tirso Cruz III ang peg, ha! Title kasi ng movie ng Guy & Pip ang Till We Meet Again noong 1985.

“Let’s now wish our boys Kokoy and Elijah all the best as they start working on separate productions this coming week. Their paths and ours will once again converge soon, but for now we will have more than enough good memories,” say ng IdeaFirst Company.

Anyway, dahil parehong magiging sobrang busy ang dalawa sa kanilang kanya-kanyang mga proyekto, baka sa 2021 pa mapanood ang Season 2 ng Gameboys. (Dondon Sermino)

The post Elijah, Kokoy hiwalay na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *