Elaine ng Mindanao ‘TNT’ grand champion

Elaine ng Mindanao ‘TNT’ grand champion

Sa simula pa lang, marami na ang humuhula na si Elaine Duran ng Mindanao ang mananalo sa “Tawag Ng Tanghalan 3” ng “It’s Showtime”. Kasi naman, super husay talaga ng dalagang ito sa pagkanta.

elaine ng mindanao tnt grand champion - Elaine ng Mindanao ‘TNT’ grand champion
elain duran - Elaine ng Mindanao ‘TNT’ grand champion

Dondon Sermino Paistaran 13 336x224 - Elaine ng Mindanao ‘TNT’ grand championSa simula pa lang, marami na ang humuhula na si Elaine Duran ng Mindanao ang mananalo sa “Tawag Ng Tanghalan 3” ng “It’s Showtime”. Kasi naman, super husay talaga ng dalagang ito sa pagkanta.

Sabi nga ng iba, parang pinaghalong Kyla, Angelique Quinto, with matching Nina, at iba pang female singer na bonggang-bongga talaga kung kumanta.

At tama rin ang hula ng marami na ang magiging mahigpit niyang kalaban ay sina John Mark Saga ng Luzon at John Michael dela Cerna ng Mindanao.

At sa huli nga, sina John Mark at Elaine ang naglaban, na napagwagian ni Duran.

Sa presscon ng “It’s Showtime” para sa Top 12 ng “Tawag Ng Tanghalan”, naobserbahan na agad ng media ang mga kilos, pananalita nila. At yes, kung bosesan talaga, at sa tingin mo ay may kakayahan talagang sumikat, o tipong mamahalin ng mga fan, taglay-taglay talaga ni Elaine ang mga katangian na ‘yon.

At sa Instagram account ng “It’s Showtime”, mababasa mo na tila nagkakaisa naman ang lahat sa pagwawagi na ito ni Elaine. Bagama’t meron din siyempreng nanghihinayang na hindi si Mark John ang nanalo, pero talagang saludo rin sila sa husay ni Elaine.

Si Elaine nga raw ang sa tingin talaga ng marami ay may pag-asang maging isang diva, na kahilera nina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, at marami pang iba.

Heto nga ang reaksyon ng mga manonood sa post ng “Showtime” na

“Tawag ng Tanghalan Year 3 Grand Champion is ELAINE DURAN! Congratulations! #TNT3AngHulingTapatan.”

sarmientolove27: “Congratulations Elaine! Proud Bisaya ..Bisdak ni bai!”

_gorgeousamara: “Well deserved Elaine. Consistent from the very beggining. First ever Hall of Famer of Showtime TNT. Congrats elaine. Hindi nasayang vote ko.”

dhezyamomo: “U deserve it Elaine DURAN ur #1 fan congrats…”

Congrats, Elaine!

John Mark Saga mas type ng mga huradong manalo sa ‘Tawag’

Anyway, base sa inilabas na resulta ng “It’s Showtime”, tila magkaiba ang hatol ng mga hurado at ng mga manonood, o mga text vote.

Ang boto ng Madlang Pipol ay 25.02 percent kay Elaine, at 14.28 percent kay John Mark, at 10.70 kay John Michael.

Meaning, si Elaine talaga ang winner ng mga tao.

Samantalang sa mga hurado, si John Mark ang nakakuha ng mataas na boto na 19.32 percent, habang si Elaine ay may 16.16, at si John Michael ay 14.52.

Meaning, kung ang mga hurado ang masusunod, mas gusto nila na manalo si John Mark.

Pero dahil mas mataaas nang sobra ang boto ni Elaine mula sa mga manonood, kaya siya talaga ang nanalo. Samantalang halos 3 porsiyento lang naman ang panalo ni John Mark kay Elaine.

Well, sa panahon ngayon na ang basehan ng panalo ay social media, o text votes, online votes, o ano pa mang boto, talagang kapag nagustuhan ka ng mga manonood, sigurado na ang panalo mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *