Elaine Duran inabuso sa halagang P1.5K

Level-up na ang buhay ngayon ng latest “Tawag ng Tanghalan” champion na si Elaine Duran. Noon kasi ay P1,500 lang ang kinikita niya para sa 30 songs sa gigs, pero ngayon ay mayroon na siyang P2 milyon.

elaine duran inabuso sa halagang p1 5k - Elaine Duran inabuso sa halagang P1.5K
elaine duran - Elaine Duran inabuso sa halagang P1.5K

Level-up na ang buhay ngayon ng latest “Tawag ng Tanghalan” champion na si Elaine Duran. Noon kasi ay P1,500 lang ang kinikita niya para sa 30 songs sa gigs, pero ngayon ay mayroon na siyang P2 milyon.

Kakaloka, lumalabas na P50 lang kada kanta ang bayad sa kanya noon. Grabe ha, sobrang underpaid! Pero ngayon, siguradong limpak-limpak na ang magiging talent fee niya dahil isa na siyang kampeon ng “TNT”. Deserve niya rin naman talaga ang malaking TF dahil sobrang galing niya.

Nakakabilib ang naging determinasyon ni Elaine na nagkuwento pa na pitong beses siyang nag-audition sa “TNT”.

“Seven times po. Season one po, naalala ko po talaga sa Starmall, Shaw and then two times dito sa ABS-CBN entrance at hindi ako natanggap. Season 2, sa Tutuban naman. Before ako matanggap sa SM Taytay, nag-audition din ako sa StarHunt sa Cebu,” pagbabahagi niya.

Kung ang ibang tao siguro ay malamang sumuko na sa ilang beses niyang pagkabigo pero para kay Elaine naging inspirasyon niya ang kanyang pamilya lalo ang kanyang ina para ipagpatuloy ang laban sa “TNT”.

Nagbunga naman ang kanyang pagiging determinado sa buhay dahil champion na siya ng “TNT”. Bukod sa P2 milyon cash prize na napanalunan, may bago na siyang bahay at secured na rin ang kanyang career sa record at talent contract niya sa TNT Records.

Hindi rin natatapos dito ang blessings sa “TNT” champion dahil mapapanood din siya ng madla na mag-perform sa binuong concert ni Ogie Alcasid sa Newport Performing Arts Theater sa darating na October 10.

Matuturing na inspirasyon si Elaine sa mga taong nangangarap dahil sa kabila ng mga pagsubok ay hindi siya sumuko sa buhay at ngayon nga’y tinatamasa na ang lahat ng kanyang paghihirap. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *