El Gamma Penumbra palaban sa ‘WGT’

Malayo na ang narating ni Donnie ‘Ahas’ Nietes na mula sa pagiging janitor ay pinakatanyag na bituin ngayon ng ALA Gym at pinakamatagal na kampeon ng Pilipinas sa mundo ng boksing.

The post El Gamma Penumbra palaban sa ‘WGT’ appeared first on Abante News Online.

el gamma penumbra palaban sa wgt - El Gamma Penumbra palaban sa ‘WGT’
el 4 - El Gamma Penumbra palaban sa ‘WGT’

abante paistaran dondon sermino 336x224 - El Gamma Penumbra palaban sa ‘WGT’Malayo na ang narating ni Donnie ‘Ahas’ Nietes na mula sa pagiging janitor ay pinakatanyag na bituin ngayon ng ALA Gym at pinakamatagal na kampeon ng Pilipinas sa mundo ng boksing.

Ibabahagi ni Donnie, na tubong-Murcia, Negros Occidental, ang kanyang pagkamit sa tagumpay sa tribute video na ipinalabas sa ABS-CBN at napapanood ngayon sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel kaugnay ng ika-65 na ani­bersaryo ng ABS-CBN.

“Masayang-masaya ako kasi nakapagbigay ako ng karangalan sa aming bayan at siyempre sa buong Pilipinas. Hangga’t kaya ko magbibigay ako ng kara­ngalan sa ating bansa. Proud ako na isang taga-Murcia ay nakilala sa buong mundo dahil sa ABS-CBN,” sabi niya.

Ibibida rin ang mga kuwento ng pagsisikap at tagumpay ng shadow play group na El Gamma Penumbra at ang abogadang si Hilmarie Nimo. Sa isang apartment nagsimula ang pangarap ng unang kampeon ng “Asia’s Got Talent” bago tuluyang sumikat nu’ng maging contestant at finalist sa “Pilipinas Got Talent” sa ABS-CBN.

Dito na bumuhos ang mga guesting at nakasama rin sila sa kampanya para sa tu­rismo ng Choose Phili­ppines. Ngayon, nakatakda silang lumaban sa “World’s Got Talent” at sila naman ang nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa mga kabataang nangangarap ding makilala sa mundo.

Si Hilmarie naman, tinyaga ang pagla­lakad ng tatlong oras makapag-aral lang. Sa tulong ng ABS-CBN at Knowledge Channel, nagawang makatapos ng abogasya ni Hilmarie at naiahon na rin ang pa­milya sa kahirapan.

Jennylyn, Jong magpapakilig sa Iloilo

Fresh mula sa pilot week ng kanyang bagong primetime series na “Love You Two”, lilipad ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa Iloilo ngayong Sabado (April 27) para sa Kapuso Mall Show ng GMA Regio­nal TV.

Makakasama ni Jennylyn sa Vista Mall Iloilo sa 4:00 pm ang ilan sa cast ng “Kara Mia” na sina Mika dela Cruz, Paul Salas at Mike Tan. Pangungunahan naman ni Jong Madaliday ang Iloilo leg ng “The Clash” Auditions sa nasabi ring mall.

Matapos ang successful run ng singing competition last year, muling binubuksan ng “The Clash” ang pinto nito para sa singing hopefuls mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Alas-9:00 pa lang ng umaga sa Sabado ay magsisimula nang magpapasok sa venue.

The post El Gamma Penumbra palaban sa ‘WGT’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *