Edward uminit ang dugo sa manliligaw ni Maymay

Umamin na kasi! Yan ang payo ng marami kina Maymay Entrata at Edward Barber.

edward uminit ang dugo sa manliligaw ni maymay - Edward uminit ang dugo sa manliligaw ni Maymay
maymay 7 - Edward uminit ang dugo sa manliligaw ni Maymay

Dondon Sermino Paistaran 8 336x224 - Edward uminit ang dugo sa manliligaw ni MaymayUmamin na kasi! Yan ang payo ng marami kina Maymay Entrata at Edward Barber.

Kasi naman, panay ang sabi nila na “friends” lang sila, pero bakit may selosan na nagaganap sa pagitan nila?

Inamin nila na pareho silang mga seloso, selosa, sa interview sa kanila sa “Tonight With Boy Abunda.”

Sabi ni Edward, pinagseselosan daw niya ang fans abroad ni Maymay na malalaki ang katawan at tila nagpapa-cute sa dalaga. May mga linya pa raw na; “Hey Maymay, you’re so beautiful. I’m such a fan of yours” na talagang ikinaiinit ng dugo ng binata.

Meron din syempreng selos moment itong si Maymay. Kwento niya, “Nagseselos ako kapag nakikita ko at nararamdaman ko may something ‘tong babaeng to kay Edward ah,” sabi ni Maymay.

May time raw kasi na may isang babae silang na-interview sa San Francisco at panay paganda kay Edward.

Hindi ba pang mag-jowa lang ‘yang mga ganyang selosan? So ano na nga ba talaga ang real score nila?

“Hindi pa po,” ang sagot nila nang tanungin sila kung sila na ba. Mag-MU (mutual understanding) palang daw sila, ayon kay Edward.

“MU, Parang ganun. The only time na (ang) selos level ko (would) go through the roof, (is) if I see her with another guy,” ani Edward.

Malabo man ang status nila, eh nakikita naman na nila ang future nila nang magkasama. Sabi ni Maymay, “Sobrang thankful ako kay Dodong. Kung may future boyfriend man ako, gusto ko siya. At hindi ko po kaya na mawala siya at makita na may iba siya.”

Kakakilig ha! Maganda rin naman na ‘wag muna mag-jowa para makapag-focus sa career. Pero syempre ang wish ng fans eh maging totohanan na ang lahat.

Vice Ganda pumalag sa pananakit nina Anne, Vhong, Jhong

Pabirong nagparinig si Vice Ganda sa It’s Showtime noong Miyerkules (Sept. 18) na sa lahat na lang ng palabas niya eh tila binubugbog siya ng co-stars niya.

“Jusko sa Showtime pinipisikal niya (Jhong) ko, sa movie binubugbog naman ako nito (Anne). Parang palagi na lang akong nakakaawa sa mga palabas.”

Nasabi ito ng phenomenal box office star matapos siyang kurutin ni Jhong Hilario sa leeg at tuksuhin sa suot niyang feather sandals.

Pero syempre hindi pumayag si Jhong sa pagpapa-victim ni Vice dahil mas madalas nangyayari ang pisikalan sa backstage.

Biro naman ni Vice ang talagang madalas daw manakit ng pisikal ay si Amy Perez. “Kapag may nagagalit po iyan, linalatigo niya kami,” sabay turo kay Amy.

Sumagot naman si Amy at sinabing, “Hindi. Ano ka ba, tsine-tsinelas ko lang kayo kapag matitigas ang ulo niyo.”

Ang sayang tingnan ng “It’s Showtime” hosts dahil sa nabuo nilang pamilya ay malaya silang magbiruan kaya naman hit pa rin at hindi matinag ang noontime show.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *