Edward nasungkit ang ‘oo’ ni Maymay sa Japan?

Ang bongga ng MayWard (Maymay Entrata at Edward Barbers) kahapon, dahil magkakasunod na Top 3 sa Twitter ang nakuha nila, ha!

The post Edward nasungkit ang ‘oo’ ni Maymay sa Japan? appeared first on Abante News Online.

edward nasungkit ang oo ni maymay sa japan - Edward nasungkit ang ‘oo’ ni Maymay sa Japan?
Edward Barber - Edward nasungkit ang ‘oo’ ni Maymay sa Japan?

Ang bongga ng MayWard (Maymay Entrata at Edward Barbers) kahapon, dahil magkakasunod na Top 3 sa Twitter ang nakuha nila, ha!

Una na ang #MayWard, pangalawa ang #MaymayEntrata, at pangatlo ang #EdwardBarber.

Bakit nga ba? Ano bang meron? Ano’ng okasyon?

Well, pare-pareho lang naman halos ang tweet na mga fan, tungkol nga ‘yon sa pagbabakasyon nila sa Japan, kaugnay sa birthday celebration ni Maymay.

Ang bongga ni Maymay, at nakasama talaga niya ang pamilya niya sa Japan, ha! At sinamahan pa rin talaga siya ni Edward.

Sabi nga ni Edward, mami-miss niya ang Japan, at bongga nga raw kasi ang ‘memories’ na meron sila doon.

Teka, doon na kaya siya sinagot ni Maymay sa Japan? Makikita kasi sa mga photo nila na naglabasan kung gaano kalambing si Maymay sa kanya.

Aba, sa bawat photo nilang dalawa ay makikitang nakahilig sa dibdib niya, nakayakap si Maymay kay Edward. Ano pa ba ang ibig sabihin noon? (Dondon Sermino)

The post Edward nasungkit ang ‘oo’ ni Maymay sa Japan? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *