Edward nasarapan sa ‘halik’ ni Maymay

Kabugan sa pagpapakilig ang mga sikat na love team sa ABS-CBN, na nasa USA ngayon. By this time, tapos na ang ASAP Bay show nila, pero bago nga ‘yon, kanya-kanya silang eksena sa social media.

edward nasarapan sa halik ni maymay - Edward nasarapan sa ‘halik’ ni Maymay
ABANTE Barber - Edward nasarapan sa ‘halik’ ni Maymay

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Edward nasarapan sa ‘halik’ ni MaymayKabugan sa pagpapakilig ang mga sikat na love team sa ABS-CBN, na nasa USA ngayon. By this time, tapos na ang ASAP Bay show nila, pero bago nga ‘yon, kanya-kanya silang eksena sa social media.

Runaway winner para sa akin ang MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber), dahil sa maya’t maya na post nila sa Instagram, na ang lakas magpatakam at magpakilig ha!

Tulad nga nung last IG post ni Edward, na kung saan ay may caption siya na, ‘Yes… sarap talaga.’

Eh, katabi niya si Maymay sa photo na ‘yon, at akmang papapakin siya nito ng halik. Pero, ang Edward, tila dedma lang, at naka-focus nga sa pagkain sa harap niya, na sinabihan nga niyang ‘sarap talaga.’

Pero siyempre, para sa mga fan, pa-ek-ek lang ni Edward ‘yon, dahil ang tinutukoy niyang masarap talaga ay ang halik ni Maymay.

merladeasis “Huy. Ano yan? Anong masarap? My gosh yung utak ko saan na napadpad.”

me.is.we “lasang pag-ibig!”

itsmw_gracy “kainis kaung dalawa ui kayo tlga ang gamot sa stress ko ngayon.”

_jaz_zzy “Naman! Sarap nya magmahal noh. Wag na masyado sa dessert ha! Overload na kayo sa sweets! Hahaha. Enjoy!”

Feeling ng mga fan, natuloy ang halik na ‘yon ni Maymay kay Edward, at ‘yon talaga ang tinutukoy nito na masarap, ha!

Seth galawang hokage ang diskarte kay Andrea

Ayaw ring pag-kabog ng bagong love team na nabuo sa Kadenang Ginto, ang SethDrea, ha! Aba, huling-huli raw ni Seth Fedelin ang kiliti ng mga fan sa kung paano sila pakiligin, at siyempre, lambingin ang ka-love team niyang si Andrea Brillantes.

Mala-Daniel Padilla nga raw ang diskarte nitong si Seth kay Andrea. At siyempre, feeling Kathryn Bernardo rin naman si Andrea.

cheskacortezz15 “Akoy kinikilig pag ikaw lumalapit akoy nanginginig haha. jusmeyo marimar SethDrea bat kayo ganyan pinapakilig nyo nanamn ako hahhhaha sana namn mag-live kayo mmaya hahhha i love you sethdrea.”

clarisse_jerez “Mala Daniel at Kathryn ang peg niyong dalawa, bagay na bagay kayo.You’ve chemistry my goshhhhhh I’m flattered.”

itsrosebermudez “congrats 1 million ka na bagay talaga kayo ni Andrea keep it up make her smile everyday.”

Well, sabi nga ng mga millennial, galawang hokage si Seth kay Andrea, at mukhang magtatagumpay siya sa mga plano niya, ha!

Kyle, Francine tandem type ng mga ‘Gen-X’

Bagamat ramdam na ramdam naman na parang nagkakahiyaan pa sina Kyle Echarri at Francine Diaz, at medyo awkward pa ang mga kilos nila kapag magkasama, hindi pa rin maiwasang kiligin ang mga fan, ha!

Konting dikit lang ng kanilang mga kamay, parang naiihi na sa kilig ang mga taga-hanga nila.

itsthegoldensquad “Not going there, but we will always love & support you both!”

baiwahida “OMG hindi ako makahinga sa kakakilig sa mga bata na to. Love you so much#kycine stay @kycine.”

Feeling nga raw nila, bumabata sila, o bumabalik sa pagiging bata, kapag nakikita nila ang KyCine. Ang tandem na ito nga ang parang bet na bet ng Generation X, ha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *