Edward nag-imbita ng mga host sa ‘kasal’ nila ni Maymay

Usong-uso ang ‘engagement’ at ‘kasalan’ ngayon, ha!

The post Edward nag-imbita ng mga host sa ‘kasal’ nila ni Maymay appeared first on Abante News Online.

edward nag imbita ng mga host sa kasal nila ni maymay - Edward nag-imbita ng mga host sa ‘kasal’ nila ni Maymay
edward 1 - Edward nag-imbita ng mga host sa ‘kasal’ nila ni Maymay

Usong-uso ang ‘engagement’ at ‘kasalan’ ngayon, ha!

Dahil sa paandar nina Angel Locsin at Neil Arce, heto nga at lahat na yata ng mga magkaka-loveteam ay inuudyukan na pasukin na ang next level ng buhay nila, ha!

At kahit nga ang magka-love team na ayaw pang umamin, sina Maymay Entrata at Edward Barber, ay tila napilitan na ring sumagot sa mga tanong tungkol sa kasalan galore.

Sa ASAP nga kahapon, tinanong sina Maymay at Edward kung sila na ba? At ang sagot ni Maymay ay hindi pa raw.

Ang kasunod na tanong ni Robi Domingo ay, ‘Gusto mo ba na maging kayo?”
Na ang sagot ni Maymay, “In the future?” Na ang hirit ni Robi ay, ‘Wala nang explanation, basta ang tanong, gusto mo bang maging kayo ni Edward?”
Na siyempre ay napilitang sumagot si Maymay na, “Oo naman!” at ‘yun na nga, nagsigawan na ang mga tao sa paligid.

“Basta in the future ‘yan, ha!” natatawang giit pa ulit ni Maymay.
Pero, nakakaloka ang hirit ni Edward na, “Basta kayo ang magho-host sa…” pabiting say nito, na ang karugtong nga ay, “Sa mga future events namin, ha!”

“Ano ‘yan, wedding?” reaksiyon ni Alex Gonzaga.
“Oo naman, kasal na ‘yon,” sey ulit ni Robi. (Dondon Sermino)

The post Edward nag-imbita ng mga host sa ‘kasal’ nila ni Maymay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *