Edward gustong lumigaya kay Maymay

Sure ako na tuwang-tuwa ang mga fan nina Maymay Entrata at Edward Barber dahil sa magandang balita na magsasama ang dalawa sa isang pelikula. Sinabi ni Edward sa “Magandang Buhay” guesting niya kamakailan na masaya siyang makatrabaho muli ang ka-loveteam.

The post Edward gustong lumigaya kay Maymay first appeared on Abante.

edward gustong lumigaya kay maymay - Edward gustong lumigaya kay Maymay
Edward - Edward gustong lumigaya kay Maymay

Sure ako na tuwang-tuwa ang mga fan nina Maymay Entrata at Edward Barber dahil sa magandang balita na magsasama ang dalawa sa isang pelikula. Sinabi ni Edward sa “Magandang Buhay” guesting niya kamakailan na masaya siyang makatrabaho muli ang ka-loveteam.

“Ang nilu-look forward ko ay maging masaya ulit sa trabaho. Kasi may mga time talaga na habang nagtatrabaho ka hindi ka naman nagi-enjoy, hindi naman masaya, pinipilit mong ngumiti or tumawa,” sabi niya.

“Pero ito, binasa ko na ‘yung script, pinost ko sa IG Stories ko ‘yung draft six. Masaya talaga ‘yung movie. Tapos hindi ‘yung sobrang bigat. So I’m looking forward to just having fun which is isa sa mga bagay na parang hindi ko ginawa nung mga last projects,” sey ni Edward.

Alam naman ng karamihan na dumaan sa pagsubok ang dalawa matapos nilang maglabas ng statement noong Abril tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Ayon sa MayWard, nagkasundo sila na maging mabuting magkaibigan na lamang.

Inamin pa ni Edward na nasaktan din siya sa mga lumabas na balita tungkol sa kanya ngunit napanatili niyang maging positibo para na rin sa mga fan na walang sawang sumuporta sa kanya.

“A lot has been said sa social media, a lot of stuff has been lied about, false statements and through it all, I look sa may Instagram, sa direct messages, minsan toxic ‘yon, pero I read them and I read some messages, they say, ‘We still trust you Edward. We still support you, We still love you.’ At hindi ko masabi, hindi nila alam, hindi ko masabi sa kahit anong interview, hindi ko maipakita sa isang movie,” kwento niya.

Pasasalamat naman niya sa fans, “They will never know the impact that that positivity has in my life. Now in the future or in the past, they will never know. But all I can say now is maraming maraming salamat. Sobrang nagpapasalamat ako sa inyo.”

Samantala, sinabi naman ng young Kapamilya actor sa huli na hindi niya iiwan ang ABS-CBN at Star Magic.

“Sa buong ABS-CBN at Star Magic family, I can say dito lang talaga ako. I’m happy here. Thank you, ABS-CBN,” saad ni Edward. (Dondon Sermino)

The post Edward gustong lumigaya kay Maymay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *