Edu handang gibain ang mga kalaban

Hanggang ngayon ay isyu pa pala kay Edu Manzano ang citizenship niya. Ilang beses na siyang tumakbo sa Makati at kinuwestiyon din ito pero wagi si Doods sa desisyon ng Supreme Court.

The post Edu handang gibain ang mga kalaban appeared first on Abante News Online.

edu handang gibain ang mga kalaban - Edu handang gibain ang mga kalaban
Edu Manzano - Edu handang gibain ang mga kalaban

abante i know better jun nardo 336x224 - Edu handang gibain ang mga kalabanHanggang ngayon ay isyu pa pala kay Edu Manzano ang citizenship niya. Ilang beses na siyang tumakbo sa Makati at kinuwestiyon din ito pero wagi si Doods sa desisyon ng Supreme Court.

Tumakbo rin ang aktor bilang Bise Presidente. Sa alaala namin, walang kumuwestyon sa citizenship niya noon.

Ngayong kongresista naman sa San Juan ang tinatakbuhan niya, biglang naglabas ng desisyon ang isang dibisyon ng Comelec na disqualified siya dahil American citizen siya!

Umalma si Edu siyempre dahil sa timing ng desisyon ng Comelec, dahil lumabas ‘yon a week before the elections, huh!

Tumanggi naman ang kalaban niyang si Ronnie Zamora na may kinalaman ito sa nangyari. Sa pahayag niya sa news reporters, campaign manager niya ang nagsampa ng petisyon sa disqualification case at wala siyang kinalaman.

Nagbaba man ng desisyon ang Comelec sa kaso ni Doods, tuloy pa rin ang laban niya bilang kinatawan ng lone district ng San Juan. Tanging ang Korte Suprema ang puwedeng maglabas ng desisyon na final and executory ang desisyon ng Comelec at petisyon laban sa aktor.

Tuloy ang kandidatura ni Edu sa San Juan City na handang gibain ang mga Zamora!

Jennylyn pinadapa sina Bela, Jodi sa rating

Slowly but surely ang pag-angat sa ratings ng tele-pelikula ng Kapuso network na “Love You Two.” Ilang araw nang pinadadapa ni Jennylyn Mercado ang series nina Bela Padilla at Jodi Sta. Maria sa ratings mula sa data ng NUTAM People’s Ratings (Nielsen Philippines).

Nu’ng Lunes, 10.6% ang ra-tings ng LYT habang 8.4% ang ra-tings ng katapat na “Sino Ang May Sala?”

Patunay lang na na-miss ng manonood ang pagiging Rom-Com Queen ni Jen! Eh, may Gabby Concepcion pang kasama, kaya mas naaliw talaga ang mga manonood.

The post Edu handang gibain ang mga kalaban appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *