Eddie Money pumanaw na

Yumao na ang hitmaker noong dekada ‘70 at ‘80 na si Eddie Money (70).

eddie money pumanaw na - Eddie Money pumanaw na
eddine - Eddie Money pumanaw na

Yumao na ang hitmaker noong dekada ‘70 at ‘80 na si Eddie Money (70).

Sumikat siya dahil sa kanyang awitin na “Take Me Home Tonight” at “Baby Hold On”.. Anunsyo ng kanyang pamilya “The Money Family regrets to announce that Eddie passed away peacefully early this morning. It is with heavy hearts that we say goodbye to our loving husband and father. We cannot imagine our world without him. We are grateful that he will live on forever through his music.”

Pumanaw ang singer sa sakit na kanser sa esophagus na nagbunga ng komplikasyon sa kanyang katawan.

Bukod pa dito, sumailalim pa siya sa isang minor heart valve procedure nitong Mayo at nagkaroon ng pneumonia noong Hulyo.

Bago pumasok sa Columbia Records noong 1976, nagtatrabaho ang singer sa mga club sa Berkeley. Isa sa mga naging ambag niya sa industriya ay nang makamit niya ang double-platinum success sa kaniyang self-titled debut album. Halos 4 na dekada rin ang itinagal niya sa industriya at nakapagbenta ng mahigit 28 milyong records. (Ronaline Avecilla)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *