Eddie Garcia pinalakpakan sa ‘Sanggano’ premiere night

Isang malakas na palakpakan ang ibinigay ng mga fan sa namayapang Eddie Garcia sa premiere night ng pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo”, na pinagbibidahan nina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E.

eddie garcia pinalakpakan sa sanggano premiere night - Eddie Garcia pinalakpakan sa ‘Sanggano’ premiere night
eddie 9 - Eddie Garcia pinalakpakan sa ‘Sanggano’ premiere night

Dondon Sermino Paistaran 5 336x224 - Eddie Garcia pinalakpakan sa ‘Sanggano’ premiere nightIsang malakas na palakpakan ang ibinigay ng mga fan sa namayapang Eddie Garcia sa premiere night ng pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo”, na pinagbibidahan nina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E.

Ang laki nga ng role ni Eddie sa movie na ito ng Viva Films, dahil siya lang naman ang main kontrabida ng tatlong komedyante. Sa kuwento, type niyang bilhin ang minanang hacienda ni Janno para gawing hotel and casino.

Anyway, kaaliw ang role ni Manoy sa movie dahil kahit kontrabida siya, idinaan sa komedya ang lahat. Na ang bawat eksena niya, siguradong matatawa ka.

May mga eksena rin na hindi na boses ni Eddie ang ginamit, at sa halip ay boses na nga ni Janno Gibbs. Sa unang dinig, iisipin mong si Manoy nga ang nagsasalita, pero kung bubusisiin mo, maririnig mo pa rin ang tinig ni Janno.

Janno jackpot sa lampungan sa iba’t ibang babae

Sa true lang, naloka ako sa pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” dahil sa kabaliwan ng mga eksena, at ng mga bida rito. Para akong nanonood ng pelikula nu’ng 90s, at in fairness, epektib pa rin sa mga fan dahil hagalpak sila ng tawa, ha!

Si Janno na pinakaguwapo sa lahat ang pinakamasuwerte rin, dahil sunod-sunod ang pakikipaghalikan niya sa mga artistang babae, ha! Siya nga ang pinakahabulin ng mga kababaihan sa pelikula, at bawat babae na nakakaeksena niya ay siguradong sa kama ang bagsak.

Julia no show sa event ni Dennis

Si Dennis Padilla naman ang parang lumalabas na sidekick sa movie, na kadalasan ay sa kanya natotoka ang mga batuhan, o punchline sa dulo. Maraming aliw moment si Dennis, lalo na kapag nagpaparamdam siya ng ‘kamanyakan’ pero painosente ang dating sa isang babae.

Marami lang ang naghanap sa anak niyang si Julia Barretto sa premiere night ng “Sanggano” dahil ito na nga raw sana ang chance para maipakita sa publiko na okey sila, at suportado nila ang isa’t isa.

Sabi pa, nakaka-attend na nga raw ng party si Julia, at wala naman itong teleserye o pelikula ngayon, kaya ini-expect nila na makita itong sumusuporta sa tatay niya. Pero, wala nga raw ito.

Well, ang chika lang, sa regular screening na lang manonood si Julia ng movie ng tatay niya.

Teka lang, baka naman hindi na inimbita ni Dennis si Julia, dahil ‘di ba nga, gusto ring iiwas ni Dennis si Julia sa mga ganu’ng sitwasyon? So, huwag naman masyadong husgahan si Julia sa hindi pagpunta sa event ng ama.

Andrew E nagpasilip ng puwet, singit sa ‘SSS’

Si Andrew E naman, wala pa ring pagbabago. Na kahit ang delivery niya ng mga linya, ganu’n pa rin.

Pero, naloka ako sa eksena ni Andrew, na naka-brief lang siya, ha! Kitang-kita ang mga singit niya, at hindi pa riyan nagtapos, dahil tumuwad pa siya, kaya pati kuyukot ay ipinasilip na rin niya. At heto pa, dahil butas ang brief na suot, kaya pati puwet niya ay nakita na rin ng mga manonood.

Siyempre, super halakhakan ang mga fan sa singit, puwet ni Andrew, ha! Kaloka. Sabi nga ng isang reporter na kasama ko, hindi siya handa na makikita niya ang puwet, singit ni Andrew, ha!

Well…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *