Eddie Garcia natumba sa taping, comatose

Nalungkot si Jeric Gonzales sa masamang balitang nakarating sa kanya. Habang nagte-taping daw si Eddie Garcia sa upcoming teleserye na pagsasamahan nila ni Jeric ay bigla na lang daw itong bumagsak at agad isinugod sa isang hospital sa Tondo, Manila.

The post Eddie Garcia natumba sa taping, comatose appeared first on Abante News Online.

eddie garcia natumba sa taping comatose - Eddie Garcia natumba sa taping, comatose
eddie 2 - Eddie Garcia natumba sa taping, comatose

abante talbog joe barrameda 336x224 - Eddie Garcia natumba sa taping, comatoseNalungkot si Jeric Gonzales sa masamang balitang nakarating sa kanya. Habang nagte-taping daw si Eddie Garcia sa upcoming teleserye na pagsasamahan nila ni Jeric ay bigla na lang daw itong bumagsak at agad isinugod sa isang hospital sa Tondo, Manila.

Ang unang nakara ting sa amin ay DOA daw nang idating ito sa hospital pero na-revive ng life support system. Plano ng GMA Entertainment Dept. na ilipat siya sa St. Luke’s Hospital at naghihintay lamang ng clearance sa mga doctors sa nasabing ospital.

First time at very proud pa naman si Jeric na makakasama si Eddie sa isang teleserye na noon ay hinahangaan lang at pinapanood niya.

Kilala kasi Manong Eddie sa pagiging professional, hindi nale-late sa taping at laging preparado sa set.

Nang kumalat nga sa social media ang masamang balita ay marami ang sobrang nag-alala at nalungkot, at hindi makapaniwala sa sinapit nito.

Let’s all pray na maka-recover ang isang alamat ng showbiz na si Mr. Eddie Garcia.

Manoy haligi ng showbiz

Kilala­bilang “Manoy”, si E­ddie Garcia ay tatak-Bicolano at si-yempre, uragon.

Sa tagal na niya sa industriya ay naging parte na siya ng higit sa 300 films, bilang aktor, director, at producer na rin. Epektibo siyang bida, kontrabida, o kahit pa sa pilyong pagpapakuwela sa kamera.

Sa FAMAS, siya lang ang bukod-tangi nanalo ng Hall of Fame bilang best actor, best suppor-ting actor, at best director. Astig!

Kaya naman isang karangalan talaga na makatrabaho ang nag-iisang Eddie Garcia, at inspirasyon ng mga baguhan sa industriya ng showbiz.

Ayon sa official statement ng pamilya ni Eddie Garcia:

“Manoy Eddie Garcia was at a taping this Saturday morning when he suffered from a severe heart attack. He is still under critical observation and all his doctors are doing their best to assure that he gets the best care.

“Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who have expressed concern and extended prayers. Please continue praying for Tito Eddie’s fast recovery. At 90, he is still doing what he loves most, acting. He is a pillar of the industry and is very passionate about his craft. We would like to request his fans and everyone to pray with us so he could get better the soonest time possible. Thank you.”

The post Eddie Garcia natumba sa taping, comatose appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *