Ed Caluag ‘di kinaya mga multo sa lumang libingan

Ihanda na ang mga sarili dahil ngayong Linggo (November 1), mapapanuod ang taunang inaabangan katatakutan ng bayan—ang “GABI NG LAGIM VIII Kapuso Mo, Jessica Soho Halloween Special.”

The post Ed Caluag ‘di kinaya mga multo sa lumang libingan first appeared on Abante.

ed caluag di kinaya mga multo sa lumang libingan - Ed Caluag ‘di kinaya mga multo sa lumang libingan
Ed Caluag - Ed Caluag ‘di kinaya mga multo sa lumang libingan

Ihanda na ang mga sarili dahil ngayong Linggo (November 1), mapapanuod ang taunang inaabangan katatakutan ng bayan—ang “GABI NG LAGIM VIII Kapuso Mo, Jessica Soho Halloween Special.”

Ngayong 2020, nabubuhay ang buong mundo sa takot sa COVID-19. Ngunit tila hindi pa ‘yan sapat. Dahil sa gitna ng pandemya, may ibang patuloy pa ring binubulabog ng mga hindi matahimik na kaluluwa, mga elemento, at kampon ng kadiliman. Ang kanilang mga makapanindig-balahibong karanasan, mala-true to life na horror films!

Sa Misamis Occidental, ang ipinanakot sa mga bata para hindi lumabas nang nagka-lockdown, isang lumang manyika. Nabubuhay raw kasi ito at nanggagambala. Sa kalagitnaan nga ng interview sa dating may-ari nito, may nai-record na nakakakilabot na tawa! May lakas ng loob ka bang makipaglaro kay “Bita: Ang Haunted Manyika”?

Mala-virus naman na pinangangambahan ng mga taga-Mexico, Pampanga, ang pagdating ng isang misteryosong itim na kabayo na may hila-hilang karo. Kapag nakita at narinig na raw kasi ito, hudyat na may mamamatay sa kanilang bayan! Bakit nga ba ang “Karo de Kabayo,” patuloy na tumatakbo sa kanilang kamalayan at naglalaro sa kanilang imahinasyon?

Samantala, noong 1800s, isang epidemya ang kumalat sa Maynila—ang cholera outbreak. Karamihan sa mga namatay noon, inilibing sa Paco Cemetery na isa na ngayong parke. Sa pagpunta ng paranormal researcher na si Ed Caluag sa lumang libingan, halos hindi niya kinaya ang kanyang mga nakita, lalong lalo na ang “Ghost Bride sa Paco Cemetery”! Ang posibleng katauhan ng ghost bride, natunton ng KMJS team!

At sa kauna-unahang pagkakataon sa Philippine TV, ipapakita ang ilan sa halos 300 pinakatatagu-tagong video ng demonic possessions ng Archdiocese of Ozamis, Office of Exorcism and Deliverance Ministry sa Mindanao. Kabilang sa mga ito ang video kung saan nilabanan ng “Pinoy Exorcists” ang isang sinapian na nagsisimula nang mag-levitate o lumutang!

The post Ed Caluag ‘di kinaya mga multo sa lumang libingan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *