‘Eat Bulaga’ may Myanmar version na

May magandang balitang hatid ang “Eat Bulaga”, na ngayon ay nagse-celebrate ng kanilang 40th anniversary. Dahil ang longest running variety show sa bansa ay madadagdagan pa ng franchise at walang iba kundi sa Myanmar.

eat bulaga may myanmar version na - ‘Eat Bulaga’ may Myanmar version na
ABANTE myanmar - ‘Eat Bulaga’ may Myanmar version na

May magandang balitang hatid ang “Eat Bulaga”, na ngayon ay nagse-celebrate ng kanilang 40th anniversary. Dahil ang longest running variety show sa bansa ay madadagdagan pa ng franchise at walang iba kundi sa Myanmar.

Marami ring Pilipino ang nakikipagsapalaran sa Myanmar at good news nga para sa mga Pilipino na bibihira makauwi sa bansa dahil mas mababawasan ang kanilang ‘sepanx’ o separation anxiety dahil darayo na ng Myanmar ang “Eat Bulaga”.

Sa opisyal na Twitter account ng “Eat Bulaga” ay mainit na mainit na ibinalita nito na magkakaroon na ng Myanmar franchise ng naturang noontime show.

“First Big Announcement: Magkakaroon na ng bagong franchise ang Eat Bulaga! Magkakaroon na ng Eat Bulaga sa Myanmar!” nakasaad sa Twitter ng programa.

Sabay-sabay namang umarangkada ang mga tweet ang mga fan para magbunyi sa magandang balita at nagpaabot pa ng congratulations ang mga ito sa buong team ng nasabing programa.

“Wala ka talagang katulad, Eat Bulaga!” sabi pa ng isang fan.

Mula 1979 ay sinusubayba-yan na nga ng maraming Pilipino at bahagi na nga ng buhay ng marami ang naturang programa kaya naman labis ang kagalakan ng mga fan sa achievement nito.

Masaya rin iyang ibinalita sa telebisyon ng mga host ng “Eat Bulaga”. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *