Dyowang si Dave pumalag sa tatay ni Morissette

Hindi pa rin pala natatapos ang problema ng singer na si Morissette Amon at ng kanyang ama na si Amay Amon. Nagsimula ang lahat nang mag-post sa kanyang Twitter account noong nakaraang July 24 ang ama ni Morissette tungkol sa diumano ay pakikipagtanan ng singer sa rumored boyfriend nito, ang singer na si Dave Lamar.

dyowang si dave pumalag sa tatay ni morissette - Dyowang si Dave pumalag sa tatay ni Morissette
ABANTE mori - Dyowang si Dave pumalag sa tatay ni Morissette

Ni: Ruel
Mendoza

Hindi pa rin pala natatapos ang problema ng singer na si Morissette Amon at ng kanyang ama na si Amay Amon. Nagsimula ang lahat nang mag-post sa kanyang Twitter account noong nakaraang July 24 ang ama ni Morissette tungkol sa diumano ay pakikipagtanan ng singer sa rumored boyfriend nito, ang singer na si Dave Lamar.

Noong nakaraang August 16, nag-post si Dave ng isang cryptic message sa kanyang real account bilang sagot kay Amay Amon: “Yah happy??? Jumping to conclusions­ is not actually exercise.”
Sa mga pangyayaring ito, nananatiling tahimik si Morissette. Ayaw raw nitong sumagot sa kanyang ama over social media dahil baka lalo raw siyang masabihan na binabastos nito ang sariling ama.
May iba naman na nagsalita para kay Morissette­ para pabulaanan ang pakikipagta­nan daw nito sa boyfriend­ na si Dave.
“The whole issue started last February. We respect and understand the feelings of Morissette’s father but some things have to be clarified. It’s not true that Morissette has ‘eloped’ or is ‘living-in’ with Dave Lamar. The truth is that she is taken care of by Stages head Audie Gemora. She’s staying with Audie in his home at a Makati subdivision. Morissette loves her family and she has been working hard to support them (parents and a sibling). She has been saving her ear­nings for a house the family is ­building and has entrusted a big amount to her father for that. Morissette is 23 and she’s old enough, and legally of age, to make her own decisions whether professional or personal.­”
Nagkakilala sina Morissette at Dave sa 2013 ABS-CBN talent search na “The Voice Philippines”.
***

Mga sexy photo nina JLo, Halle,
Brooke pinagkaguluhan sa IG

Nananadya raw si Jennifer Lopez na ipakita ang magandang katawan niya sa latest IG post nito. Sa edad na 50, pinabilib ni JLo ang maraming netizens sa pinost nitong bikini selfie. Suot ng singer ang isang backless, garnet-hued one piece swimsuit.
Nilagyan pa niya ito ng caption na “I ♥summertime #julybaby #leoseason.”
Heto ang ilang comments ng netizens sa paglantad nito ng kanyang magandang katawan:
“You go girllll!”, “I see no 50 here,”, “50 never looked better”, “Serious body goals right here”, “This is 50?!? I need what J.Lo’s having!”
Hindi lang si JLo ang age 50-and up celebrity na hinahangaan ang katawan ng fans on social media. Kasama na rin diyan si Halle Berry who turned 53 na nag-post ng isang bra-free photo sa IG. At pati na si Brooke Shields na at age 54 ay kinabaliwan ng netizens ang bikini shot nito sa social media.
***

Kiefer Sutherland
naaksidente sa DenmarkLolit makikiusap sa Kapuso

Isang freak accident ang nangyari sa aktor at bida ng series na “24” na si Kiefer Sutherland. Nadulas ang 52-year-old actor-turned-singer sa steps ng kanyang tour bus sa Denmark, na-injure nito ang kanyang rib at nahirapan itong huminga.
Pinagpalit pansamantala ni Kiefer ang pagiging aktor sa pagiging singer. Nag-release ito ng album titled “Reckless & Me” at nagtu-tour ito ngayon sa Europe kunsaan natamo niya ang isang ‘di inaasahang aksidente.
Nakapag-tour na ito sa US at Canada. Nakapag-perform na siya sa Italy, Germany, France and the United Kingdom.
Heto ang pinost ni Kiefer sa Instagram:
“Sadly I slipped on the steps of the bus whilst travelling in Denmark and seriously injured a rib, making it difficult to breathe and impossible to sing. Regretfully, I will not be able to perform the last 3 shows of our tour, but have every intension of making up these shows up in September / October when we return. I am so sorry for any inconvenience that I have caused to the fans who have bought tickets. I will do everything I can to make it up to you.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *