Dyowa pinaimbestigahan ng pamilya ni singer-actress

Dyowa pinaimbestigahan ng pamilya ni singer-actress

ISANG source na hindi nanununog at nangunguryente­ ang nakapagbulong sa amin na ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng isang pamosong male personality ang pagpapakasal nila ng kanyang karelasyong singer-actress.

dyowa pinaimbestigahan ng pamilya ni singer actress - Dyowa pinaimbestigahan ng pamilya ni singer-actress
man - Dyowa pinaimbestigahan ng pamilya ni singer-actress

abante give me 5 cristy fermin 336x224 - Dyowa pinaimbestigahan ng pamilya ni singer-actressISANG source na hindi nanununog at nangunguryente­ ang nakapagbulong sa amin na ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng isang pamosong male personality ang pagpapakasal nila ng kanyang karelasyong singer-actress.

Sa kuwento ng aming source ay isang napakabonggang kasalan ang magaganap. Hindi naman imposible ‘yun dahil mayaman ang pamilya ng male personality.

Kuwento ng aming source, “Hindi pa sila ­nagsasalita, pero abangan niyo, magsasabi rin sila dahil napag-usapan na ng magkabilang kampo ang tungkol sa kasalan.

“Dapat lang naman dahil nasa edad na sila para magpamilya. Ano ‘yun, bibilang pa nang ­maraming taon bago sila magpakasal? Importanteng­ magkaanak­ sila, ha?

“Hindi na sila mga bagets, nasa tamang age na sila para magbuo ng sarili nilang pamilya!” madiing kuwento ng aming impormante.

Nu’ng una ay natural lang namang protek­siyunan ng kanyang mga magulang ang singer-actress. Sinisiguro­ ng mga ito na nasa mabubuting kamay ang kanilang anak.

Kuwento pa ng aming source, “Siyempre nga naman­, sikat ang girl, mayaman na rin dahil sa sobrang­ kasipagan­ niya, kaya gustong makatiyak ng parents niya na hindi lang siya gagamitin ng guy!

“Ano ang naisip ng pamilya? Natural, nagpaim­bestiga sila! Nagpapunta sila ng mga taong close sa kanila para alamin kung anong klaseng buhay­ meron ang male personality sa probinsiya­ nila.

“Naloka si madir sa kanyang mga nalaman­, super-yaman pala ang angkan ng boyfriend ng anak niya! Isa pala ang male personality sa mga tagapagmana ng kayamanan­ ng pamilya nila!

“Old rich ang family ng guy, napakarami nilang negosyo, marami silang buildings na paupahan sa city, napakalawak ng kanilang mga lupain!

“At least, napatunayan ng male personality na hindi niya gagamitin lang ang singer-actress! Siya ang bubuhay sa girl at hindi siya ang aasa sa mapapangasawa niya!” natatawang pagtatapos­ ng aming source.

Mas maagang nagbalik sa gitna ng aksiyon si Ellen Adarna kesa kay John Lloyd Cruz. Ayon sa aming source, nu’ng nakaraang buwan­ pa ay naging­ abala na ang sexy actress­ sa ­pictorial para sa ineendorso niyang­ aesthetic­ ­center, parang hindi raw ­nanganak si Ellen­ ayon sa aming kausap.

“Ang ganda-ganda niya, mas nagka­roon siya ng character nu’ng magka­anak siya. Si Ellen pa? Maalaga siya sa katawan­. Nanganak man siya, e, hindi niya pinabayaan ang sarili niya,” papuri ng aming source.

Sutil daw ang sexy actress. Nu’ng nagpi-pictorial sila sa isang hotel at pasakay na sila sa elevator ay nagkakandahaba ang leeg ng mga kalalakihang nadadaanan nila.

“Alam mo kung ano ang ginawa ni Ellen? Ibinukas niya ang robe na suot niya! Ipinakita niya talaga ang katawan niya du’n sa mga usisero!

Ellen binuyangyang ang
katawan sa mga miron

“Nag-Bisaya pa nga siya na ang ibig sabihin, e, ‘Hirap na hirap pa kayo, baka mabali ang leeg n’yo, kaya ayan na, o!’ Naku, ‘yung mga guys ang parang nahiya!” kuwento ng aming impormante.

Napabalita na ang panghihingi niya ng TPO (Temporary Protection Order) sa husgado­. ‘Yun ang nagpatibay sa kuwentong tapos na nga ang relasyon nila ni Lloydie.

Wala pang nagiging pahayag ang sexy actress tungkol sa hiwalayan, tahimik lang si Ellen, habang si John Lloyd naman ay idinadaan­ sa mga lyrics ng kanta ang kanyang­ kalungkutan.

Pareho nilang isinakripisyo ang kanilang career nang magdesisyon silang magsama na sa Cebu. Pero pagkatapos lang nang dalawang­ taon ay tumamlay rin ang kanilang pagmamahalan na nauwi na nga sa hiwalayan.
Siguradong isisigaw isang araw ni John Lloyd Cruz, “Wala nga palang forever!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *