Dyowa ni Ryza inagaw ni Angelica?

Ayaw magkomento o mag-react ni Ryza Cenon sa lumabas na picture nina Angelica Panga-niban at ng ex-boyfriend niya na si Pocholo Barretto na nasa pool.

The post Dyowa ni Ryza inagaw ni Angelica? appeared first on Abante News Online.

dyowa ni ryza inagaw ni angelica - Dyowa ni Ryza inagaw ni Angelica?
ABANTE ange - Dyowa ni Ryza inagaw ni Angelica?

Ayaw magkomento o mag-react ni Ryza Cenon sa lumabas na picture nina Angelica Panganiban at ng ex-boyfriend niya na si Pocholo Barretto na nasa pool.

May nagtatanong kung sila na raw ba.

Sabi lang ni Ryza, “Wala… wala na kami. Kung anuman ang gusto niyang gawin, kanya na ‘yun.”

Pero magkasama pa rin sila sa “The Gene-ral’s Daughter”, so paano sila?
“Wala lang, trabaho lang, walang personalan,” nakangiti niyang sabi.

Sa isang banda, tama lang naman ang attitude nito na hindi na mag-comment, makisawsaw o ano man kung meron man more than friends relationship sina Angelica at ex-boyfriend niya.

On her part, single lang daw siya at talagang nag-e-eenjoy raw siya sa pagiging single. Kagagaling lang din niya sa Brussels kung saan, nag-show du’n ang ilan sa cast ng TGD.

Hindi naman itinatanggi ni Ryza na may nagpaparamdam pero talagang gusto raw niyang maging single muna.

“Enjoy ako, enjoy ako na single lang, nagagawa ko kahit na anong gusto kong gawin. And siguro rin kasi, kung magkakaroon ako ng relationship, gusto ko talaga ‘yung siya na, sana siya na.”

Sa ngayon, ayaw raw niyang hingin kay Lord, gusto niya raw, kung ano ang ibigay ni Lord sa kanya at kapag nandiyan na, saka niya sasabihing sana ‘yun na talaga ang para sa kanya.

Isang taon na rin palang Kapamilya si Ryza at tulad sa huling ginampanan niyang character sa pinangga-lingang network, nagti-trending na naman ang character niya at ang dami na namang galit sa kanya. May ilan sa mga ito na sinasagot niya kahit pabiro tulad ng sa galit sa character niya, wini-wish na mamatay na raw sana siya sa TGD.

“Sabi ko, ‘pag pinatay niyo ko, wala na ‘kong work, Ha ha ha!”
Natutuwa naman daw siya dahil ‘yung mga dating halos isumpa na siya as Georgia, hanggang ngayon sinusubaybayan pa rin siya at galit pa rin sa kanya.

“Galit sila sa akin before, galit pa rin sila sa akin ngayon. May followers ang character ko dati, hanggang ngayon, nandito pa rin sila.
“Sinasagot ko sila, pero katuwaan lang. Para naman may thrill ang pamba-bash nila sa akin, sagutin ko na lang. Natutuwa naman ako dahil ibig sabihin, tama naman ang ginagawa ko, tumatatak sa kanila.”

The post Dyowa ni Ryza inagaw ni Angelica? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *