Dylan Talon big winner sa ‘Get Reel’ Film Festival

Big winner ang short film na ‘Walang Hanggang Ligaya Sa Una Mong Ngiti’ sa katatapos lang na Get Reel Mobile Shorts Film ­Festival 2019 (ng McJim Classic ­Leather).

dylan talon big winner sa get reel film festival - Dylan Talon big winner sa ‘Get Reel’ Film Festival
getreel - Dylan Talon big winner sa ‘Get Reel’ Film Festival

Big winner ang short film na ‘Walang Hanggang Ligaya Sa Una Mong Ngiti’ sa katatapos lang na Get Reel Mobile Shorts Film ­Festival 2019 (ng McJim Classic ­Leather).

Bongga nga ang pelikula na ‘yon, dahil bukod sa grand prize na P50,000 bilang Best Mobile Short Film, wagi rin ang ­direktor nitong si Dylan Ray Talon bilang Best ­Director (P25,000) at Best in Cinemato­graphy (P10,000). Si Dylan ay bit player rin sa maraming pelikula.

Pitong pelikula ang naglaban-laban dito, na ang ginamit lang na kamera ay cellphone.

Nakadalo nga ako sa awards ceremony nito last August 30 sa Cinema 1, Fisher Mall. At nakakatuwang ­ma­laman na ­maraming aktibong filmmaker ngayon ang nagsusumikap na makagawa ng mga makabuluhang ­pelikula.

Pasok din sa festival na ito ang ‘May Love Life Na Si Pepito Jr.’ ni James Edward Golla, na nanalong Best Screenplay (P20,000) at Best ­Comedy (P25,00).

Ganun din ang ­pelikula ni Mark Jason Sucgang na Pitaka na nanalo ng P25,000 ­bilang Get Reel Viral Shorts Award. Wagi rin ang pelikula ni John Carlo ­Balasbas Tarobal na ‘Champion’ ng Best Inspirational Story (P10,000); Kabilin ni Roy Robert Rusiana na wagi ng P25,000 ­bilang Best Drama.

Sa acting category ­naman, panalo sina ­Russel Ian Paguia for May Lovelife Na Si Pepito Jr.; Jorrybell Agoto for Walang Hanggang Ligaya Sa Una Mong Ngiti; Jonathan Oraño for Pitaka; Marialyn Tamarra for Cotard Syndrome; Philip Carlo Ty and King Richard Visto for Kabilin; and James Lohoman, Shawn Villete and Carlo Tarobal for Champion.

Ang pakulo na ito ng McJim Classic Leather ay nag-uwi na rin ng maraming award mula sa mga international film festivals for viral and unforgettable short films like Bag, Sinturon and Pitaka, which were created and produced in collaboration with award-winning filmmaker Chris Cahilig, Get Reel Mobile Shorts Film festival’s director.

All film genres were allowed in the mobile shorts film festival, as long as McJim leather products like bags, belts, and wallets were used as organic parts of the narratives.­

Mapapanood ang mga short film ­naito sa McJim Classic ­Leather ­Facebook page.

(­Dondon ­Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *