Dulce madalas aliwin si Digong

Si Dulce na yata ang pinakanirerespeto at hinahangaan ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa Instagram post ni Mariel Padilla ng ilang mga la­rawan ng mahusay na singer.

dulce madalas aliwin si digong - Dulce madalas aliwin si Digong
dulce - Dulce madalas aliwin si Digong

Si Dulce na yata ang pinakanirerespeto at hinahangaan ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa Instagram post ni Mariel Padilla ng ilang mga la­rawan ng mahusay na singer.

Bahagi ng papuri at pasalamat ni Mariel dahil sa pagdalo at pagkanta ni Dulce sa kaarawan niya at wedding anniversary nila ni Robin Padilla ay ikinuwento niya kung paano niya ginustong imbitahin ang award-winning biriterang singer sa double celebration nila ng kanyang asawa para maghandog ng awitin.

Salaysay ni Mariel, naimbitahan sila ni Robin sa Malacañang para sa isang get-together ni Pres. Digong at isa sa mga singer-entertainer ay si Dulce.
Si Dulce lang daw ang natata­nging performer sa party na hinangaan nang husto ng Pangulo. Matapos daw kumanta si Dulce ay tumayo ang Pangulo, nilapitan si Dulce, pinuri at kinamayan pa.

Hindi pumayag si Pres. Digong na palapitin sa kanya si Dulce, dahil siya na mismo ang tumayo at nilapitan mismo ang singer.

Dumalo sa okasyon nina Mariel at Robin si Pangulong Duterte, at gaya ng dapat asahan ay abot-tenga ang ngiti nito, na may kahalong kilig, nang marinig ang tinig ni Dulce, lalo na at inawit pa nito ang mga paborito niyang kanta. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *