Drake peke ang abs

Pinabulaanan ng rapper na si Drake na fake ang kanyang abs. Marami kasi ang nag-react nang i-post ng 32-year-old rapper ang kanyang shirtless photo habang nagbabakasyon ito sa isang resort.

The post Drake peke ang abs appeared first on Abante News Online.

drake peke ang abs - Drake peke ang abs
Drake - Drake peke ang abs

Pinabulaanan ng rapper na si Drake na fake ang kanyang abs. Marami kasi ang nag-react nang i-post ng 32-year-old rapper ang kanyang shirtless photo habang nagbabakasyon ito sa isang resort.

“I forget what it’s called but I remember the feeling,” caption pa ni Drake na ikinatuwa ng kanyang 57 million follower.

Pero nagprotesta ang isang nagngangalang DJ Carnage at sinabi na dumaan sa surgery si Drake para ma-achieve ang six-pack abs nito.

“You got fake ab surgery in Colombia. You ain’t fooling anybody,” diin ni DJ Carnage.

Sumagot naman si Drake ng: “Is this cause you are angry about the one thing that happened with that one person the other day that you thought was your wifey?”

Uso kasi sa Hollywood ang magpa-surgery para magkaroon ng abs. Inamin ito ng Jersey Shore star na si Ronnie Magro-Ortiz na dumaan sa liposuction sa kanyang abdominal muscles para ma-achieve ang perfect six-pack.

Hindi ito ang unang beses na natsismis si Drake na nagpa-surgery. In 2016, nagpa-sculpt daw ng mid-section si Drake kaya siya nagkaroon ng six-pack abs. (Ruel Mendoza)

The post Drake peke ang abs appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *